MAY PANAWAGAN ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na ginawa niya sa kanyang Twitter page para sa mga taong gusto siyang patahimikin sa pagbibigay niya ng opinion sa mga social issues na kinakaharap ng bansa ngayon dahil sa pandemya.
Ani Jennylyn, “May qualification ba dapat bago ka magkaroon ng karapatan na magkomento sa mga isyung panlipunan? Hindi ba sapat na mamayan ka ng Pilipinas at nagbabayad ka ng buwis? Bakit kung kelan Pandemya na lahat tayo ay apektado saka ang iba ay pilit na pinatatahimik?
“The moment you hinder someone from speaking their mind to is the moment you failed to respect the rights of your Fellow Filipino.”
Dagdag pa ng aktres, “Naguguluhan na ako. Bakit parang nakalimutan ng ibang tao irespeto ang iba kahit iba ang opinyon nila? Hindi ba yun ang isa sa mga unang tinuturo ng ating mga magulang?”
Matatandaang pinuna ni Jennylyn ang gobyerno kung paano nila tugunan ang covid-19 pandemic at sinuportahan din niya ang ABS-CBN sa ginawang pagpatay ng 70 kongresista sa prangkisa nito noong July 10.
“The role of the government is to promote the welfare of this country sa kahit ano mang sitwasyon. That is why any progress or positive action na nagawa nila ay hindi na kailangan bigyang puri dahil ‘yun naman talaga ang trabaho nila.
“Ang mga tao na dapat bigyang pugay ay ang ating mga makabagong bayani. Maraming salamat sa ating mga doctors, nurses, teachers, mga sundalo, at ang iba pang mga frontliners na patuloy ang serbisyo sa ating mga Pilipino,” post ng aktres.