SA TOTOO lang, ngayon lang namin na-appreciate si Jennylyn Mercado. After four attempts na gusto naming panoorin ang pelikula niya sa MMFF 2014, sumaludo ako sa galing ng hinirang na Best Actress sa nakaraang Gabi ng Parangal ng MMFF 2014.
I’m not a fan of any Jennylyn’s teleserye sa Kapuso Network. Ang dami na niyang lead roles sa mga serye sa GMA 7, pero ang kategorya niya sa kamalayan namin was just one of those pretty stars of the network.
Pero after watching the teaser of the film bago pa man ipinalabas noong nakaraang Kapaskuhan with Derek Ramsay, interesado na ako. May kagat sa akin ang pelikula. Oks sa akin ang karakter niya sa pelikula. Ilang beses akong napangiti sa mga eksena niya sa teaser (or trailer) pa lang.
Sabi ko nga sa kaibigang Mario Baustista, like ko ang pelikula. Promise, panonoorin ko. Kaya nga it took us four attempts na panoorin ang pelikula niya sa Gateway Cineplex, pero palaging sold out and tickets an hour before the screening time.
Usually, ang mga romcom na tulad ng pelikula ni Jennylyn at Derek, pang last full show ko pinapanood para relaxing sa akin. Pero risky for me dahil kung paaabutin ko pa ang late night screening, malamang sa hindi, kung hindi na ako inaantok at gusto ko nang umuwi ay puno na at sold out na ang mga seats.
Kaya nga last Thursday (New Year’s Day) kahit hapon at mataas pa ang sikat ng araw, hindi na ako nag-atubili na panoorin. Kahit mid-afternoon, puno ang sinehan. Mabuti na lang, I decided to watch the film na rin kaysa ma-delay nang ma-delay pa at pinag-uusapan na ng taumbayan ay nganga pa rin ako at walang input tungkol sa opinion ko sa pelikula habang pinagpipistahan na dahil sa ganda.
In fairness, like ko ang movie. Like ko ang acting ni Jennylyn sa movie pero sa mga previous movies niya, deadma lang ako. Natural na natural siyang umarte. Ilang beses niya akong napatawa sa mga eksena niya. She’s a good actress pala. May timing din siya sa comedy, lalo na ang ganu’ng mga eksena na hindi slapstick.
I just wonder kung bakit sa galing niya palang umarte, kung may mga break man na ibinibigay sa kanya (like lead star siya sa kuwadra ng GMA Network), nagtataka lang ako na hindi pumapasok sa kamalayan ko ang pagiging Jennylyn Mercado niya sa showbiz.
Pero pangako ng Kapuso Network sa 2015 with their new teleseryeng Second Chances na bida si Jennylyn mas magugustuhan ko raw ang bagong hirang na “Best Actress”.
Now na naging instant fan ako ng aktres, isa sa mga susubaybayan ko ay ang bago niyang teleserye, kung saan makakasama niya sina Rafael Rosell at Raymart Santiago.
Marahil ang tamang formula lang to come up with a good Jennylyn Mercado movie ay isang matinong kuwento na susuportahan ng manonod. Tutal kung viewership din lang naman ang usapan, with her recent film with Derek, additional suki na ang naging fan niya na manonood (tulad ko) ang hatak ng teleserye niya.
Hopefully, hindi lang bread trip ang magiging focus ng manager niya ngayon sa mga susunod niyang projects. Sayang kung dahil sa magandang box-office result ng recent film niya ay maging isang kalakal na lang ang isang Jennlyn Mercado.
Reyted K
By RK VillaCorta