BUTI PA si Jennylyn Mercado na partner ni Derek Ramsay sa movie nila na No English Please, walang problema sa datung!
Nakabili na pala ito ng bagong bahay, pagkatapos niyang maibenta ang dati niyang bahay.
Malapit na raw itong lumipat pagkatapos niyang maayos itong bagong bahay.
Bukod sa house and lot na nabili, may inupahan pa raw itong 4-storey building.
Balak ni Jennylyn na magkaroon ng negosyo sa building na ‘yun. Maglalagay yata siya ng spa, Zumba studio at coffee shop ba ‘yun?
Kaya may mga sinisimulan na siyang investment para sa future niya at sa kanyang anak.
Bongga na, ‘yun!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis