KAHIT NA contract star ng Kapuso Network si Jennylyn Mercado, nagpakita ito ng simpatya sa mga trabahador ng ABS-CBN sa nakakalungkot na sinapit ng franchise denial ng Kapamilya Network.
Sa kanyang official Facebook account ay inihayag ng aktres ang kanyang saloobin sa sinapit ng mga kasamahan sa industriya:
“Sa mga lumuha at nawalan, our prayers and hearts are with you. Sa mga taong tuwang tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan.
Hindi ba na tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa?
Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane. You are cruel.”
Ang daling sabihin para sa inyo na “Law is Law” pero ang mga pulitiko o may kapangyarihan na lumabag nito ay hindi naman nakaranas ng parusa para sa batas na nilabag nila.
If you say that then everyone should be held at the same standard. Huwag muna tayo mag Mananita.
No network is perfect, policies can and will be improved.
Ang importante ngayon ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na at pandemya.
Ang daling sabihin na okay lang sa inyo kasi sa tingin ninyo ay hindi kayo naapektuhan.
Pero sana kahit saglit ay ilagay ninyo ang sarili sa posisyon nila.
Huwag kayo maging manhid sa hirap na nararanasan ng iba.
Will pray for everyone to be enlightened and to remember the values that makes us human…
Please be kind to one another. Thank you.”
Patuloy pa nito: “Kung sa tingin mo ang mga taga Abs lang ang apektado, paano ang mga tao na kumikita indirectly sa Network?
Caterers sa set, drivers, equipment rental houses at mga employado nila, mga cameraman at tech team, talent managers, mga assistang ng mga artista, talent suppliers, mga talents o bit players, freelance production designers, freelance writers, ang mga mayari ng mga restaurants na malapit sa Abs, ang mga tauhanan nito, at madami pang iba.
Libo libong tao ang nawalan din ng trabaho. Lahat ay naapektuhan at maapektuhan. Paano na sila?”
Lalong hinangaan ng mga Kapamilya at Kapuso viewers ang matapang na pahayag ni Jennylyn. Buti pa raw ito at kahit na hindi siya contract star ng Dos ay nagpakita ito ng simpatya sa sinapit ng mga empleyado ng network. Samantalang ang ibang sumikat at yumaman dahil sa ABS-CBN ay nakakabingi ang pananahimik.
Habang sinusulat namin ito ay ilang tweets ang pinost ni Jennylyn sa kanyang Twitter account na sinasagot ang mga bashers niya na kinukwestyon ang pagbigay ng pahayag ng aktres. Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Jennylyn sa pagsagot:
Habang sinusulat namin ito ay ilang tweets ay pinost ni Jen sa kanyang Twitter account. Maliban sa pagrerepost ng kanyang naunang statements ay ipinagpatuloy pa niya ang pagkwestyon sa nangyari:
“Kamusta na po pala ang nagMananita, ang senador na gumala, at ang blogger na nagmass gathering? Hindi sila pumasa sa vibe test.
When the Philippines unemployment rate just recorded an all time high, that’s when the congress decided to terminate a renewal which will cost and additional thousands of people their jobs. Nasan yung logic dun?
One quick reminder to the people na nagrereply ng “shhh”, “shut up” o “tumahimik ka nilang”, at “huwag ka mangelam”… Respecting other people’s opinion is a value you seem to have forgotten…
S’yempre, may ilang netizens na hindi pabor sa tweets ni Jen. Sabi ng isang follower, “Hindi masama magbigay ng opinyon, better maging neutral ka na lang para iwas-bashing. At the end of the day, you’re not a Kapamilya star.”
Buwelta naman ni Jen: “But I am a Filipino and that alone is enough. To be neutral or silent in times of injustice is injustice. If being “bashed” is a small price to pay for practicing my right to freedom of speech. Then I am fine with it.”
Ang bongga, ‘di ba? Napakatapang ng ating Ultimate Star! No wonder she will survive in this cruel world because she is a fighter!