ISANG INTRIGUING trailer ang inilabas ng Regal Films para sa kani-lang susunod na movie offering. Ito ay para sa pelikulang The Bride and the Lover na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Paulo Avelino at Jennylyn Mercado.
Kung noon ay sa isang afternoon series nagpatalbugan ang dalawang female drama stars (Little Star, remember?), ngayon ay sa big screen naman sila maglalaban. Hindi lang sila sa aktingan magbabangayan, kundi maging sa kaseksihan at kagandahan. S’yempre, kakikiligan naman ng madla ang oozing presence ni Paulo Avelino, na may ibubuga rin sa acting department.
Aminin na natin – malaking hamon para sa tatlong bida na maging box-office hit ang kanilang pelikula. Mega-hit sa moviegoers ang finale ng Miggy-Laida love story na It Takes a Man and a Woman. Dahil ito ay patuloy na pinipilaan nationwide, nag-desisyon ang kampo ng GMA Films na iurong ang playdate ng reunion project nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na My Lady Boss. Ang balita namin ay sa June na ito ipalalabas.
Sa May 1 naman nakatakdang ipalabas ang The Bride and The Lover. Swak na swak para sa Labor Day! Napanood na namin ang trailer nito at nakaaaliw ang batuhan ng linya. Obviously, naiiba sa past kabit or love triangle stories ang bagong pelikula ni Joel Lamangan. May ilang quotable quotes na rin na ipinasi-lip dito. Kahit ang roles nina Hayden Kho bilang protective security guard at Joem Bascon na baklang bestie ay kaabang-abang na panoorin.
Ang The Bride and the Lover ay mula sa panulat ni Rody Vera, na umani ng iba’t ibang parangal para sa mga pelikulang tulad ng Mga Pusang Gala, Niño at Requieme. Kung ma-promote ang pelikula sa maayos na paraan, siguradong dadayuhin ito sa mga sinehan. Maaari pa nga na mas lalong mahila ang moviegoers na manood kung magaganda ang initial reviews nito.
May napatunayan na sa aktingan sina Jennylyn, Paulo at Lovi. Sa takilya kaya ay magtagumpay din sila? Let’s hope so.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club