KAYA PALA matamlay si Jennylyn Mercado sa last episode ng Showbiz Central last Sunday, masama ang pakiramdam niya nang hapon na iyon.
“Papunta ako ng ospital,” aniya nang sandaling makausap namin. “Ang taas ng lagnat ko. So, medyo… sabi ko, parang hindi na yata kinakaya ng katawan ko ang load ng trabaho ko lately. Pero I hope sana okey. Walang something ano… kasi marami rin akong mga kagat ng lamok, eh. So, I hope walang ano…” Dengue ang tinutukoy ni Jennylyn na uso ngayong tag-ulan.
Hectic ang working schedule niya lately. Aside from Party Pilipinas at Showbiz Central na mapapalitan na ng H.O.T. TV starting August 5 na isa pa rin siya sa hosts, nagsimula na ring umere ang Protégé na host din siya. Tapos, may ginagawa rin siyang pelikula ngayon, ang The Bride And The Lover with Paulo Avelino.
Gaano man siya ka-busy, pinipilit pa rin daw ni Jennylyn na mabalanse ang lahat at magkaroon pa rin ng oras para sa kanyang mga mahal sa buhay.
“Every Sunday after ng trabaho, family day. Like ngayon nga sana, aalis kami. Eh, nilalagnat nga ako. So hindi na tuloy.”
Ang boyfriend din niyang si Luis Manzano, taas-baba ang lagnat kaya na-confine sa ospital last week. Kumusta na ang kundisyon nito ngayon? “He’s okay!”
Nagbantay din siya sa ospital gaya ng ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos na lagi lang sa tabi ng actor-TV host? “Oo,” maikling sagot na lang ni Jennylyn.
PANAY ANG tawa ni Valenzuela Councilor nang matanong namin tungkol sa balitang buntis na raw siya. Ito nga ang kaagad niyang nilinaw last time na napasyal kami sa Game ‘N Go, ang Saturday noontime game show ng TV5.
“Hindi pa po ako buntis!” aniya. “Mataba lang po talaga ako ngayon. At huwag po kayong mag-alala, kapag totoong-totoo nang ako po ay buntis na, ipaaalam ko naman po. ‘Yong thought na magiging Mommy ka, ‘di ba? Oo, nakaka-excite of course.”
Ano ba ang wish nilang maging unang anak? “Of course kung ano ‘yong i-bless tayo. Pero sana ‘yong panganay… ako gusto ko, baby boy.”
Ilang anak ba ang plano nila ng asawa niyang si Congressman Roman Romulo? “Parang mahirap yata ‘yan! Hahaha! Hindi pa namin napag-usapan. Pero sana, merong baby boy. Tapos baby girl. Tapos kung ilan pa.”
So, walang limit kung ilang anak? “Mahirap naman kung walang limit! Hahaha! Kasi magastos. Oo, magastos!” biro pa niya.
PANAWAGAN SA aming mga kaklase at schoolmates sa Our Lady Of Caysasay Academy (OLCA) elementary batch ‘78 at high school batch ‘82, there will be a grand reunion this Saturday, August 4 to be held at Casa Cecilia and MGM Farms in Taal, Batangas.
The affair will start at 12:00 noon until evening. Para sa karagdagang detal-ye, i-text lang o tawagan sina Atty. Glenda Villano Tenorio at 0927-626-84-27 o si Dra. Livia Villarez at 0915-440-12-98.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan