Jennylyn Mercado, wala pa ring balita sa mga kamag-anak sa Tacloban

Jennylyn-MercadoNAKATUTOK PA rin tayo sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda, lalo na sa Tacloban na talagang nakakaawa ang  kalagayan doon ng mga kababayan natin.

Nakausap nga namin si Cristina Gonzales na konsehal doon sa Tacloban at maybahay ni Mayor Alfred Romualdez.

Dumating siya rito sa Maynila dahil hinatid muna niya ang dalawang anak nila rito. Sobrang na-trauma raw ang mga bata sa nangyaring trahedya kaya rito muna sila.

Pero babalik doon si Cristina, dahil kailangan niyang tumulong sa asawa niyang nag-iikot doon at nag-aayos ng relief goods na pinamimigay sa mga nandu’n.

Kung napapanood naman ninyo sa news, nakakaawa pa rin sila at magulo na kaya sana tuluy-tuloy na ang pagpapadala ng tulong at makontrol na ang gulo roon dahil wala nang makain ang mga tao roon.

Jennylyn-Mercado

ANG ISA pala sa sobrang nag-aalala sa ilang kamag-anak sa Tacloban ay si Jennylyn Mercado. May mga kamag-anak nga siya roon na nakilala niya nu’ng nag-Extra Challenge siya roon.

Nag-alala siya nang nangyari itong Yolanda typhoon dahil nabalitaan niyang na-wash-out daw ang lahat na bahay na nakatayo roon malapit sa San Juanico bridge.

Tagaroon daw ang mga kamag-anak ni Jennylyn kaya gusto sana niyang malaman kung kumusta na sila roon.

Naisip nga raw ni Jennylyn na pumunta roon pero pinigilan lang siya ng mga kasamahan niya dahil delikado na raw roon sa Tacloban.

Kaya ipinagdarasal na lang ni Jennylyn na sana safe pa roon ang mga kamag-anak niya.

ANG ISA pang nag-aalala nang husto ay si Mikael Daez na nakausap ng Startalk sa presscon ng Adarna na pinagbibidahan ni Kylie Padilla.

May bestfriend pala roon sa Leyte si Mikael na nagmamay-ari ng isang resort sa Leyte. Kaya alam daw niya malapit sa dagat ang bahay nito.

Gusto rin daw sana ni Mikael na sumama sa news team na nagku-cover doon sa Tacloban pero pinigilan din ito dahil sa lumalalang gulo roon.

Nalulungkot si Mikael dahil wala rin daw siyang balita sa mga kaibigan niya roon.

Kung meron lang daw siyang maibibigay na tulong ibibigay niya ito para kahit papa’no, may share naman siya sa mga nangangailangan doon sa Kabisayaan.

HALOS LAHAT naman na mga artista natin ay all-out ang suporta para makapagbigay lang ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Si Marian Rivera nga nagsimula na ring magpa-auction ng mga damit niya at ilang gamit, para ang kikitain nito ay ibibigay niya sa mga typhoon victims.

Si Ryzza Mae Dizon naman ay ginawa na niya ito nu’ng nagkalindol sa Bohol kaya tinuluy-tuloy na niya. Nagpu-post din siya sa Instagram account niya ng mga damit na ibebenta nito, at ang kikitain ay ipapadala din doon sa Tacloban.

‘Di ba si Angel Locsin, pina-auction din ang kotse niya para ibigay niya sa Tacloban ang mapagbebentahan.

Marami pa, kaya rito mo nakikita na talagang nagkakaisa ang mga Pinoy kapag dumating sa ganu’ng trahedya.

Bukas ay 18th anniversary ng Startalk at kakaiba ang selebrasyon namin dahil mas magpo-focus din kami sa mga typhoon victims.

Magpapa-auction din kami ng mga gamit ng mga paborito n’yong artista para makalikom din ng sapat na halaga para may maitulong din ang mga programa namin.

Abangan n’yo na lang bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleKorina Sanchez, umiiwas sa natatanggap na batikos sa social media?!
Next articleCristine Reyes, galit na galit sa isang basher!

No posts to display