Aksidente ang pagpasok ni Jerene Tan, introducing sa pelikulang “Across The Crescent Moon”, sa showbiz. Dahil daw sa Facebook kaya siya na-discover.
Nakita niya sa FB ang post tungkol sa isang audition at sinubukan niya itong puntahan. Hindi raw niya alam na artista pala sa pelikula ang hinahanap sa audition.
“Hindi ko alam na movie pala ‘yung ia-audition. Nagulat nga po ako, eh. Kahit mommy ko hindi naniwala,” kuwento ni Jerene.
Na-shock din daw siya nu’ng finally, nagkaroon na ng story conference at natuloy na ang syuting.
“Natakot po ako nu’ng syuting na, kasi unang-una pa lang, mine-memorize ko na lahat. Kasi siyempre ayoko naman mapahiya, ‘di ba? So, talagang kinabisado ko na lahat ng lines ko, binasa ko na siya nang paulit-ulit.
“Na-pressure nga ako kasi si Ms. Dina Bonevie agad ‘yung kaeksena ko, tapos kailangan kong umiyak. ‘Yun ‘yung first shooting day ko. So, feeling ko sa sobrang pressure ko, naiyak na talaga ako,” sey ulit niya.
Napuri rin ni Dina ang kahusayan ng baguhang aktres sa kanilang eksena. During their presscon for the movie, ipinagmalaki pa ni Dina na hindi siya nahirapang kaeksena si Jerene dahil memoryado nito ang kanyang mga linya.
Chinese si Jerene at ang parents niya ay isa sa owners ng Burlington socks. Meron din silang import-export business. Pero ayon sa kanya, hindi raw siya mayaman.
Kailangan pa raw niyang magkaroon ng honor sa school noon bago mabili ang gusto niya, dahil bulong niya sa amin, kuripot ang mommy niya.
Si Jerene ay talent ng Jams Artist Production na mina-manage ng mag-asawang Angel at Jojo Flores.
La Boka
by Leo Bukas