Jericho Rosales’s first Hollywood movie had its world premiere!

JERICHO ROSALES IS one of the finest young actors of his generation. He is a jack-of-all-trade – an actor, a singer, a songwriter, and a product endorser. Marami nang mga pinagdaanan si Echo pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang nakatayo. Sabi nga, lalong tumitibay ang isang tao dahil sa mga karanasang kanyang pinagdaraanan sa buhay. At malaki ang ginampanang papel ng mga karanasan para kay Echo dahil ito ang pinanghuhugutan niya ng iba’t ibang emosyon bilang isang magaling na aktor.

Unang nakilala si Echo when he won the “Mr. Pogi” talent search of Eat Bulaga. Napabilang siya sa Star Circle Batch 4 ng ABS-CBN noong 1997. Echo became a household name when he played Angelo Buenavista on the primetime soap opera Pangako Sa ‘Yo with Kristine Hermosa. Tuluyang umalingawngaw ang pangalan ni Echo sa iba’t ibang panig ng mundo when the series was aired in Malaysia, Indonesia, Thailand, Cambodia, Singapore, and other parts of Africa.

Makalipas ang ilang taon ay nagkaroon naman siya ng isang international television series, ang Kahit Isang Saglit, kasama ang Malaysian actress-model na si Carmen Soo. The series was a joint venture of ABS-CBN and Malaysia’s Double Vision.

Noon pa man ay pangarap na ni Echo ang magkaroon ng international project kaya naman nakakatuwang isipin na unti-unti na niyang nakakamit ang kanyang pangarap. He now stars in his first Hollywood movie titled Subject: I love you. The movie is about the “love” computer virus which was developed by a Filipino which sent computer firms in a massive chaos at the start of 2000.

Kasama rin niya sa pelikula sina Kristin Bauer, Dean Cain, Dante Basco, Black Eyed Peas’ apl.de.ap, Gary Valenciano, at Briana Evigan who was once linked to him. Pero bago pa man palakihin ng iba ang isyung may namagitan sa kanilang dalawa, Echo previously denied the rumor that they were an item.

Echo asks his kababayans living abroad to support him and watch his first international film. He was invited to the world premiere of the movie which was screened at the Newport Beach Film Festival in Orange County in Southern California.

Kasama sa kanyang itinerary roon ang pakikipagkita sa ilang producers para tingnan ang posibilidad ng pagkakaroon niya ng isang international career. “Ito na iyong first step doon. Mayroon akong mga imi-meet na tao. Naka-schedule ako makipag-meet sa isang agency roon. It all depends talaga doon sa feedback ng pelikula dahil panonoorin ng maraming producers iyon. There’s a bigger chance na ma-discover tayo,” he said.

Let’s all hope and pray na maganda ang kahinatnan ng lahat para kay Echo.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleAlessandra de Rossi is invited at the 64th Cannes Internation Film Festival!
Next articleAljur Abrenica doesn’t want to be linked with Kylie Padilla anymore!

No posts to display