HINDI MAN AMININ ni Jericho Rosales ang real score sa kanila ni Cesca Litton, you can feel there is something going on between them. “Yes, we are exclusively dating, you can put it whatever you want but I’m dating only one girl. I don’t wanna talk about my relationship right now. I’m happy the way it is, peace and quiet. I don’t wanna hurt other people… I just want to protect her. Of course, my family, her family and other beloved…”aniya.
Almost one year na palang mag-dyowa sina Jericho at Cesca pero tahimik lang ang kanilang relasyon. Matagal din naman bago muling naging masaya at maligaya ang aktor sa bago niyang pag-ibig ngayon. “More than two years… I don’t wanna say anything… I just want my privacy. I just learned from the past relationships, I’m happy right now.”
Gaano katagal na itong hapiness na nararamdaman mo? “Matagal na, wala pa namang one year. Happy guys? I don’t wanna say anything…” say ni Echo.
Kahit tuluyan na ngang naghiwalay ng landas sina Jericho at Heart Evengelista, hindi pa rin nawawala sa puso’t isipan ng aktor na minsan naging bahagi siya nito. “We have good times. I believe she’s happy right now. Ayaw kong maging hadlang sa kaligayahan niya. We’re both happy and I don’t wanna mess with that. I consider her as a friend. I’ll always be a friend to her. Communication? Wala na.”
Hindi ba nag-effort si Jericho na muling balikan si Heart? “I don’t want to push things up. There was an effort naman, mayroon din sa kanya before, but wala, eh. Medyo mas malakas ‘yung sitwasyon at saka ‘yung ano…”
Nang maghiwalay ang dalawa, may ibinalik kaya si Echo na ibinigay sa kanya ni Heart? “Hindi ko ugali na nagbabalik ng gamit, walang ganu’n. As much as possible, you want to be faithful so, wala na ‘yun. “
Sa present relationship ni Jericho, mas peaceful ang lovelife niya, walang intriga at ini-enjoy nila ni Cesca kung anuman ‘yung relationship na mayroon sila. Paano kaya kung walang special girl sa buhay ngayon ng singer-actor, may posibility na ligawan si KC Concepcion na leading lady niya sa I’ll Be There? “Oo naman, puwede… puwede talaga because there is nothing wrong with KC. Let’s put it this way, if you wanna make the relationship, you can make it work. If you want it, you can make it work! If you don’t want it, if you see the black hole or anything, it won’t work. If you want something to work, it will work. Kumbaga, kung gusto mo, magagawan ng paraan,” pahayag ng actor.
NASAKSIHAN NAMING MAG-PERFORM ang 12 contestants na pasok sa grand finals para sa “Pilipinas Got Talent” na gaganapin ngayong Sabado (June 12) at Linggo (June 13) sa Araneta Coliseum hosted by Luis Manzano and Billy Crawford. Makakasama rin nila sina Kris Aquino, Ai-Ai de las Alas at Freddie M. Garcia bilang mga judges.
Pinabilib kami ni Jovit Baldivino, ang Batangueñong singer at certified You Tube sensation sa awitin niyang “Carrie” ng grupong Europe. Sinundan ni Ruther Urquia na inaliw kami sa kanyang nakatatawang puppet show. Siyempre, hindi rin nagpatalbog ang nakamamanghang magic tricks ni Allan “Alakim” De la Paz na siyang nanguna sa botohan.
Kinilig-kilig naman ang mga kafatid sa panulat sa boses ng Fil-Norwegian na si Markki Stroem. Biglang pasok sa eksena ang batang gitaristang si Keith Deieva. Super galing sa dance floor ang Velasco Brothers sa naiiba nilang dance steps. Nagbigay rin ng kanyang awitin si Kaye, ang bokalista ng Ezra Band at si Sherwin Baguion sa kantang “Sana’y Maulit Muli.”
Hataw ang pamilya ng mang-aawit na Luntayao Family. Pinahanga nila kami sa bersiyon nilang “Kay Ganda ng Ating Musika.” Aliw kami sa pagtugtog ng violin ni Jeline Oliva, ang dalagita mula sa Bicol. Ang Baguio Metamorphosis ay nagpamalas ng husay sa pagsayaw suot ang kanilang makukulay na costumes. Madamdaming inawit ng musical siren na si Ingrid Payaket ang Broadway musical na “Phantom of the Opera.”
Magpahanggang ngayon nanatiling number 1 sa weekend ang programang Pilipinas Got Talent base sa datos ng TNS Media Reseach. Nasa 43.1 percent ang PGT sa second week pa lamang ng airing nito.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield