Jericho Rosales, ’di komportable sa title na ‘Asian Drama King’

Jericho Rosales


MAY BAGONG
tawag ngayon kay Jericho Rosales.  Siya ang tinaguriang Asian Drama King dahil mabentang-mabenta ang kanyang mga ginawang teleserye sa ibang bansa.

Pero ayon kay Echo, hindi sa nag-iinarte siya, pero hangga’t maaari ay ayaw niya ng naturang title.

“I just feel uncomfortable. Alam mo yan, Tito Leo, I don’t like titles. Kasi bigla na lang balang araw may papalit sa ‘yo. And I don’t like that.

“I’m not saying don’t call me that, kung gusto nila akong tawagin ng ganun. But I will never say, ‘Hey, I’m  Asian Drama King.’ Hindi ko kaya, eh. Hindi ko talaga kaya,”  rason ng aktor.

Tinatanaw namang malaking utang ni Jericho sa ABS-CBN ang kanyang  international fame as teleserye actor.

 Aniya,  “I thank  ABS-CBN for the opportunity kasi don sa projects na lumalabas, di  ba? I  feel na meron akong great responsibility na kailangan may global appeal yung gagawin namin. So, I just focus more on that  — yung palawak na palawak na market more than the title.”

      Bida si Echo sa newest teleserye ng ABS-CBN na Halik na magsisimula ang airing sa Aug. 13. Makakasama niya dito sina Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby.

 
 
 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleEdgar Allan Guzman, tinatarget si Maine Mendoza!
Next articleKAHIT MAY SAKIT: Kris Aquino, todo promote pa rin ng “Crazy Rich Asians”

No posts to display