JERICHO ROSALES WAS recently name as one of the Top Celebrity Endorsers of 2011. Ngayon, isang bagong produkto adds up to his list of product endorsements, ang Vantage Razors. Matagal rin namalagi si Echo sa US para mag-aral ng filmmaking sa New York.
Basic acting na natutunan niya abroad at ‘yung vision as a filmmaker? “Kaya nga nag-aral ako, ang daming basic acting. Acting one on one, monologue, etc… etc. Na-enhance ‘yung professionalism ko pagdating du’n. If you hire me as an actor, if you are the director pagdating mo sa set, I’ll give you one hundred percent, you know. Lahat ng abilidad ko ibibigay ko para sa ‘yo. Hindi ako darating sa set na inaantok ako or ano. I’ll promise you, ginawa ko ang homework ko before ako dumating sa set. It’s always good to enhanced yourself pagdating sa trabaho mo. Acting is something na hindi mo dapat pabayaan. Kailangan mong gawin para to find way how to be comfortable in different roles. Plus we have cinematography. Nag-workshop din naman ako sa Mowelfund so, doon ko lang na-realize na I really want to make an independent film, film in the future, parang ganoon. Two birds in one stone, parang ganu’n,” say ni Echo.
Balita na magdi-direk na si Echo sa ABS-CBN, how true? “Yes, ayaw ko munang sabihin pero sa contract… gusto ko kasing maging director. Nagpa-practice na ako, nag-direk na ako ng ilang music videos na simple lang naman. But it’s really in my heart to direct full-length film, parang ganoon. Sabi nila, I can do one Maalaala Mo Kaya. So, hopefully, I find a right story, magaganda naman lahat ang istor-ya ng MMK. I’m really blessed, kasama ‘yun sa kontrata ko. Sa contract ‘yung ang pinaka-exciting, du’n ako kinabahan. Gusto ko, love story or tungkol sa pamilya or tungkol sa journey ng isang bata,” pagmamalaking kuwento pa niya.
Reaction ni Echo na kino-compare siya kay Sam Milby dahil may international film na itong gagawin abroad. “I’m happy for Sam, it’s good na nand’yan ‘yung opportunity para sa kanya. Wala akong masamang tinapay roon. Masuwerte siya, may nagbukas na pinto sa tulad naming Filipino actor tulad ni Cesar Montano. I’m wishing him all the best but still ang pangarap ko nandoon. Gusto kong makita, ipagmalaki na Pilipino ako, madali rito sa Pilipinas sa paggawa ng pelikula na puwede kaming sumali. I really want to help the Philippines also in my own little way na mag-improve ang movie industry,” say ni Jericho.
Balitang may gagawing indie film si Jericho, ang Alagwa, na co-producer siya. “Yes, my first independent film. Matagal-tagal ko nang gustong gumawa ng indie film. Nang binasa ko ang script, tumagos talaga sa puso ko, hindi ako mapakali at gusto ko na talagang gawin. Ito’y istorya tungkol sa human trafficking. Father and son relationship ang mangyayari. Malapit sa akin ang istoryang ‘yun. Gusto ko siyang maging commercial para maraming tao ang makapanood.”
Hindi ba napi-pressure si Jericho na malalaking pelikula ang makakasabay nila sa darating na MMFF? “I don’t put pressure in myself, ‘di ba? I always believe in a project, before actually accepting it, tanggal na ‘yung pressure sa akin. We have a good story and big cast. May paglalagyan ‘yung pelikula namin, I don’t feel pressure. Mayroon silang specific audience na cater nila, kami ganoon din,” sambit pa ng maga-ling na aktor.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield