JERICHO ROSALES looks forward to a promising 2012. Umpisa pa lang ng taon pero may bago na siyang teleserye titled Padre de Pamilya na pagsasamahan nila nina Piolo Pascual at Christopher de Leon. Sobrang exciting ang project na ito dahil magsasama-sama sa isang teleserye ang tatlong batikang aktor ng bansa.
Ayon sa artikulo ni Krissa Donida sa Push.com.ph ay inaabangan na ni Echo ang teleserye. Sabi ni Echo, “I’m very excited. I am just very excited. Matagal ko nang pangarap na makasama si Pareng Piolo, so ngayon natupad. Hiniling ko nga pelikula eh, pero ngayon magkasama na kami tapos kasama pa namin si Sir Boyet de Leon. So, heto na, halika na, rock ‘n roll na!” Matagal nang magkaibigan sina Echo at Piolo who were part of The Hunks together with Diether Ocampo, Carlos Agassi, and Bernard Palanca.
Hindi naman pansin ni Echo ang rivalry issue between him and Piolo na posibleng maungkat since they have a series. “Alam mo mahirap na kalaban iyan ‘pag iniisip mo ang kumpetisyon. Kakainin ka niyan, di ka patutulugin, dudurugin ka niyan ‘pag nararamdaman mong lagi kang nakikipaglaban. Magkakaroon ka ng inggit, magkakaroon ka ng insecurity. Ayoko kasing mabulok ang puso ko dahil lang sa pag-focus sa competition, ‘di ba? Mas gusto ko ‘di ba na mapansin ako na ginagawa ko iyong trabaho ko tapos nakikisama ako na hindi ako nakikipag-angatan.” Isa raw siyang team player at bonus na lang kung mabigyan siya ng award.
Tama ang mindset ni Echo. Ano pa ba ang kailangang patunayan ni Echo? He is an actor, a singer, a songwriter, and a product endorser. Marami nang mga pinagdaanan si Echo pero hanggang ngayon he is still on top of his game. At tungkol naman sa kanilang dalawa ni Piolo ay parehong hindi matatawaran ang kanilang husay sa pag-arte mapa-drama, comedy, o aksyon. Echo starred in teleseryes like Green Rose, Kahit Isang Saglit, Dahil May Isang Ikaw, Sana’y Wala Nang Wakas, and Pangako Sa ‘Yo while Piolo was seen on Sa Piling Mo, Walang Kapalit, Lobo, Lovers in Paris, at Noah. They have several awards tucked under their belt at nakapag-record na rin sila ng kani-kanilang mga albums.
Isa sa wishlist ni Echo ngayong taon ay sana raw matuloy na ang pagpo-produce at pagiging involved niya sa pelikula although it’s behind the camera. “Hopefully, matuloy na iyong pagpo-produce ko at pagiging involved ko sa paggawa ng pelikula. Iyon lang for me. Iyong puso ko kasi nandoon talaga sa paggawa ng bagay, ‘di lang kanta kundi paggawa ng pelikula.” Dagdag pa niya, “Iyong direktor kasi baka gitna pa ng taon ng 2012 pero to produce something na involved kami sa script, involved kami sa paggawa nito specially the project na nakatutok ako na malapit talaga sa trabaho ko gusto ko talaga siyang gawin, sana matuloy.”
With Echo’s talent and passion for his craft, hindi malayong hindi magkatotoo ang lahat ng gusto niyang mangyari ngayong taon.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda