SUWERTE. Para sa iba, ang pagkapanalo sa lotto at karera ng kabayo ay napakalaking suwerte. Pero para kay Jericho Rosales, hindi siya naniniwala sa suwerte.
Paniwala niya ay pinagtatrabahuhan ang suwerte. Kung ano man siya ngayon, paniwala ni Echo ay biyaya ‘yun galing sa Itaas.
“Lahat ng mga magagandang bagay na nangyari sa buhay ko, galing ‘yun sa Itaas. Blessing ‘yun from God.
“I don’t believe in luck. Ginawa Niya akong actor with a purpose. An artist with a purpose. He provides jobs for me. That’s why I have never been scared in my life, kasi never Niya akong pinabayaan,” sabi ni Echo tungkol sa mga magagandang pangyayari na naganap at nagaganap sa buhay niya.
Kung ang ibang mga tao ay mahilig makipagsapalaran sa buhay, si Echo ay hindi.
Paliwanag niya, “Lahat naman tayo, one way or the other, we gamble. Sa mga desisyon natin sa buhay, whether it be in love or in work.”
Kung ano man ngayon na meron siya, naipundar niya ‘yun because of his perseverance and hard work.
Hindi tulad sa role niya na isang sugarol sa bagong rom-com ni Direk Dan Villegas na “Luck At First Sight” for Viva Films, kabaliktaran naman si Echo, kung saan kapareha niya si Bela Padilla sa mas matured na romcom na mapanonood na next Wednesday, May 3.
Sa pagkakataong ito sa kanyang career, isang sugal para kay Echo na magbago na ng imahe. In short ay kumalas na siya “love team” imaging niya sa leading ladies niya na isang malaking sugal sa career niya.
Sa “Luck At First Sight”, hindi sila love team ni Bela before he did the film.
“I’m just lucky na maganda ang project at maganda ang vibes ko,” sabi niyo.
It’s the biggest risk sa kanyang pag-aartista. “Pinakamalaking gamble ko ang mag-solo as an aktor.”
“I left the love team thing and pursued my music. I left showbiz for one year, pero nakabalik ako,” sabi niya na isang sugal kung titingnan mo ang hakbang na ginawa niya.
Sa pelikula, he plays the “malas” guy na sinuwerte nang makilala si Diane, portrayed by Bela.
Bukod sa dalawa, makasasama nila ang magaling na si Kim Molina (I love this girl sa Camp Sawi) at si Cholo Barretto.