AMINADO SI JERICHO Rosales, totoo nga raw ang napapabalitang they are exclusively dating ni Cesca Litton na field reporter ng SNN. Gano’n pa man, panay ang pakiusap ng aktor sa press na huwag na lang siyang tanungin pa tungkol dito.
“I can’t talk about it anymore because I just wanna keep it private na lang,” sabi nga niya. “I’m sorry. I’m very careful,” patungkol ni Jericho sa rumored affair nila ni Cesca.
Pero he’s really happy raw at inspired. Sa lahat ng bagay ay inspirado raw siya. And it’s all because of Cesca.
“I just don’t want to talk about it. Because it’s something I really enjoy when I’m not working. Kumbaga, if there’s a place that I can go to like family, ‘di ba? It’s (tungkol sa kanila ni Ceska) is like family to me.
“It’s like… everybody knows that I have a little boy. But I don’t talk much about him. Because I love him. And I just wanna have a simple life with him.
“With this… yeah I’m happy. But I’d like to keep it quiet and simple.”
‘Yong kagustuhan niyang huwag magsalita about him and Cesca has nothing to do naman daw with the past relationships niya.
“I don’t wanna even compare,” sabi ni Jericho. “And whatever happened to me, I have no regrets. Sa akin talaga, enjoy ako sa lahat.
“My past relationships… there are ups and downs talaga. And eversince nu’ng single ako, sabi ko I just wanna keep that part of my life for myself. I’ve got a lot of experiences na, but I really chose to be mum about it.”
Kung sabagay, karapatan naman ni Jericho kung iyon ang gusto niya, ‘di ba?
INUULAN NGAYON NG batikos si Arnel Pineda hinggil sa ginawa niyang pagbirit sa huling bahagi ng ating Pambansang Awit na Lupang Hinirang sa katatapos na laban ni Manny Pacquiao laban kay Joshua Clottey. At kahit na humingi na siya ng paumanhin sa National Historical Institute, marami pa rin ang nagre-react sa ginawa niya.
Imposible naman daw na hindi niya alam na pambabastos sa pambansang awit ng Pilipinas ang pag-iiba sa orihinal na tono nito. Eh, ‘di nga ba’t ganitong usapin din ang kinasangkutan ni Martin Nievera nang ito ang mapiling kumanta nito sa laban ni Pacman.
O baka naman daw sinadya lang ni Arnel na bumirit sa late part like Martin did before para mapag-usapan at maging kontrobersiyal din siya? Kasi kung kanyang sasabihing hindi niya alam ang tamang tono ng Lupang Hinirang, bakit? Hindi ba man lang niya ito pinakinggan at pinag-aralan nang malaman niyang siya ang aawit nito sa laban ni Manny.
Next time siguro bago pumili ng kakanta ng Lupang Hinirang sa Pacquiao fight at iba pang international sports event, dapat magpa-audition muna. Para malaman kung makakanta nang tama ng napili ang Pambansang Awit natin.
Hindi kasi nakakatuwa kundi, nakakahiya!
Baka mamaya, kung RNB artist o rap artist ang mapiling kumanta nito, maging mala RNB o rap din ang version nito, ‘no?
Hala!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan