NAGTATAKA AKO SA pagkataranta ni Gina Alajar nang sabihin ko sa kanyang naisulat ko na ang mga naging komento niya sa Facebook account niya sa mga sinimulan niyang masasabi mong tirada against Krista Ranillo. Tine-text at tinatawagan kami ni Gina para pigilan ang paglalabas namin sa mga natunghayan namin base na rin sa nakalap ng The Buzz kung kaya naman bukod sa shoutout niya eh, natunghayan na rin namin ang parang naging thread sa kanyang sinimulan.
Ang mensahe ni Regina sa akin: “Pilar, I hope hindi mo ilalabas ang sinulat mo ‘bout my fb status with the comments of some friends… it really violates our sense of privacy classmate… we do believe na magkakaibigan tayo sa no holds barred na networking… they will surely react and will put u in a difficult situation cos we trusted u…”
Hello? Trusted me? Hindi naman ako kasali sa palitan ng kuro-kuro about KR, ah. Bakit naging trusted na ako bigla? And besides, whatever messages we SHARE sa comments natin in FB will be read by everyone. Kaya nga, marami ang matapang na maglagay ng opinion nila d’yan – du’n naman nila ipinapasok ang freedom of expression. You can say what you want to say. Pero sabi nga ng FB, as long as you do not harass someone.
In the spirit of fair reporting, kukunin ko siyempre sana ang side ni Krista about it, but too late, mukhang lahat ng nasa friends list nito eh, dinelete na ng dalaga, dahil wala na siya sa list ko.
Definitely may reaksiyon na dapat na kukunin hindi lang kay Krista kundi sa pamilya rin nito. Kung ayaw mapag-usapan, mag-ingat sa sinasabi o isinusulat natin sa FB, dahil ‘yun eh, for all to see. ‘Di ba?
Baka nakalimutan ni Regina na celebrity siya. And every word, and for that matter, every written word that comes forth from your head that would see print eh, mapi-pick up at mapi-pick up at mapag-uusapan.
Ano ‘yung will put me in a difficult situation? Ano ito? Takutan?
Sa tingin n’yo ba, hindi pa nabasa at nakita ni Krista at ng pamilya niya ang palitan ng komento sa naging shoutout na ‘yun?
Simple lang ‘yan, balita ang nasabat namin sa nasabing shoutout! Now, you can delete or hide it, sabi nga sa FB. And for every action that we do, maging ready na lang tayo sa consequence. Opinyon mo ang ibinigay mo, and you shared your opinion. So lahat, react. Iba-iba nga lang, ‘di ba? So, maging more careful na lang tayo next time.
Sing na lang ako ng ‘it’s too late to apologize… it’s too late!’
FOR MORE PLEASANT things, two in a row, ha? Ang launch ng guwapo, simpatiko at talentadong aktor na si Jericho Rosales para sa dalawang kasuotang ini-endorse niya. Una, ang Walker na since 1957 pa pala ginagamit ng sambayanang Pilipino, at matagal na ring nagtitiwala kay Echo bilang endorser niya. Kaya parang re-launch ni Echo ang ginawa sa kanya ng pamunuan nito.
Ikalawa ang pagiging kauna-unahang male endorser niya ng MINT (na naglabas ng mga polo, shirts at pantaloon).
On with the tsikahan with Echo, na hindi na nga siya matutuloy sa New York for the EMMYs kaya ‘di niya masasamahan si Carmen Soo, dahil na rin sa commitments niya rito. Instead sa isang pistahan sa Melbourne, Australia siya mapapadpad.
Basta si Echo ang kausap, hindi na ‘ata mawawala ang mga katanungan tungkol kay Heart Evangelista at naging balita ang pagpapa-auction nito sa isa niyang singsing na iniisip ng lahat na bigay ni Echo.
“Kung sinabi niya na she has not used it, then that’s not my ring. Hindi ko na maalala kung Tiffany ring ba ‘yun or what. Pero kung sakaling ‘yun nga ‘yon, there’s nothing wrong with that, for as long as maganda naman ang pinuntahan and intention.”
The Pillar
by Pilar Mateo