HALOS ALAM NA nga ng lahat ng mga taga-showbiz na may bagong pinopormohan ngayon itong si Jericho Rosales. Mangilang beses na rin siyang nakita na ka-date ang naturang TV personality. Nakita sila sa isang restaurant sa Ortigas na nagdi-dinner. Noong isang linggo, nakita sila sa Eastwood Plaza at mismong isang fan pa ang tumawag sa isang radio station para i-chikka ito. At sa mismong ABS-CBN compound, eh ,nakikita silang sweet na sweet na nag-uusap.
Kaya ang tanong ng lahat: Anong meron kina Jericho Rosales at SNN correspondent Cesca Litton?
Si Cesca ang itinuturong bagong ‘apple of the eye’ ngayon ng aktor na nakikitang kasa-kasama ng huli sa iba’t ibang lugar. Kaya pati si Cesca, ‘pag nagpupunta sa ilang mga showbiz events, ay mismong tinatanong ng mga press people at iba pang mga tao kung sila na ba ni Echo.
Dahil kasa-kasama namin si Cesca sa trabaho, naitatanong din namin sa kanya ito. Pero ang tanging sagot lang niya is “Bakit ‘di siya ang tanungin n’yo?”
Ang gusto niya, bilang babae siguro, eh, lalaki ang mag-kumpirma o sumagot sa isyu. Dahil, sa isang banda at sa aming personal na opinyon din, si Echo ang artista at siya ang humaharap sa TV.
Kaya noong Biyernes, sa kanyang album tour sa Robinson’s Galleria, sumugod ang crew ng The Buzz at SNN para ma-interview si Echo. Pero nabigo sila dahil hindi pinayagan ng kanyang manager si Echo na magpa-interview. Nagpaabiso bigla sa mga TV crew na ‘no personal questions’ ang itatanong kay Echo at tungkol lang sa album. ‘Di na natuloy ang interviews kay Echo at umalis na lang ang mga TV crew.
Kaya say sa amin ng isa sa mga press, is history repeating itself? Kung ayaw nilang sumagot sa mga isyu tungkol sa kanila o sa kanilang alaga, bakit kasi hinahayaan nilang dumisplay sila na parang alam na ng lahat ang tungkol sa kanila? Why can’t they be discreet? Nagagawa naman ‘yan ng ibang artista, ‘di ba? Pero sila, they chose to go out together and be seen by other people.
Kaya ang ending, mismong ang mga taong nakakakita na sa kanila ang nagsusumbong at nagtsi-chikka sa press. So, paano na?
Ang sabi pa sa amin, ‘personal life’ na raw ni Echo ‘yun at sana ay ‘wag na lang pakialaman. Wait lang ha, bago? Nakailang girlfriend na ba si Echo at ilang beses na ba iyong pinag-usapan? Ilang beses na rin ba niyang sinagot ‘yun sa mga interviews at talk shows? Kaya ang tanong ko ulit, bago?
On the flipside, baka naman may pinangangalagaan si Echo at ang kanyang management kaya ayaw nitong magsalita. May movie kasi siya with Star Cinema kasama si KC kaya ayaw na muna nilang mahaluan iyon ng kung ano mang isyu lalo na ang pagkakaroon ni Echo ng bagong lovelife. Ganunpaman, eh, dapat namang sabihan nila si Echo na medyo umiwas-iwas muna sa mga matataong mga lugar para ‘di sila nakikita together. ‘Di ba?
Bottomline: If you want to hide it, be discreet about it. It’s as simple as that.
NAPANOOD NAMIN ANG pilot episode ng Diz Iz It, ang pantapat ng GMA-7 sa ABS-CBN’s Showtime. Objective ang mindset namin nu’ng pinanood namin ang kanilang show. Pero sa totoo lang, medyo sabog pa ito. Pinarating na namin sa ibang kasama sa show ang aming feedback. Lighting-wise, medyo madilim ang kanilang set. Nagtataka rin kami kung bakit naka-all light blue ang mga hosts for their pilot? Medyo malungkot ang kulay at kakulay nila ang set. Sana nag-bright colors na lang. At medyo na-off din kami sa puwesto ni Maricel Soriano sa audience area. Pero like any other shows, ang pilot episode naman talaga is a testing stage. Maraming feedbacks na makukuha, pero dapat constructive ang dating. Para i-improve pa nila ang kanilang programa. Pero for some, the pilot episode could either make or break the show. Kung ‘di kagatin ng audience, baka ‘di na sila mapakapit pa.
Congrats sa Diz Iz It for putting up a fight laban sa Showtime. Competition like this makes watching TV more fun. Ang tanong, sino ang magwawagi? You decide.