HUMAKOT NG awards sa iba’t ibang International film festival ang indie film na Alagwa ni Jericho Rosales sa direksiyon ni Ian Lorenos. Pero mas lalong ikinatuwa ng actor ang pagkapanalo niya ng Best Actor sa 2013 Gaward Urian at sa Gawad Tanglaw. Bakit ngayon lang naisipan ni Echo na gumawa ng indie film?
“Kasi ngayon lang talaga ako nakakuha ng script na gusto ko kay Direk Ian. Maraming script na pinadala sa amin, hindi naman sa hindi sila maganda but ito lang talaga ang tinamaan ako. After reading ten pages, please call Direk Ian. I’m just going to finish reading the script. Sabihin mo sa kanya, ready na ako. Perfect timing na rin kasi ngayon dahil ang indie film ay nagkakaroon ng significance sa pelikulang Pilipino. Nagkakaroon ng awareness sa pag-push ng pelikula so, I think, this is the perfecting timing para sa akin,” sagot ng singer/actor.
This time ibang klaseng Echo raw ang makikita natin sa first indie movie niya dahil sa naiiba niyang portrayal.
“Para sa akin, very challenging kasi ang role, naiiba sa mga project na nagawa ko na in the past. Makikita pa rin ninyo ako sa susunod kong project sa Viva Films. Reunion project namin ni Direk Marc ng “Baler” with Andi Eigenmann, Vandolph. Mula sa libro ni Bob Ong. The book has a following already. Comedy siya, after the showing of Alagwa, we start shooting na.”
Kahit nagpakaseryoso si Echo sa first indie film niya, gusto pa niya gumawa ng love story. “I’m not closing my door sa dating role na ginagampanan ko, game pa rin ako d’yan. Alam naman ninyo paiba-iba ang moods natin. May gagawin kaming telserye ni Angel Locsin, love story. You will see me again, something I used to do before. Gusto ko lang talagang gumawa ng mga ganitong project.”
Ikinuwento ni Echo na naiyak siya nang manalong Best Actor sa Gawad Urian this year. “Kasi, marami na rin akong emosyon na naipon. For me, sixteen years in the making, ang sarap ng feeling na pagkatapos naming lumibot sa ibang bansa. Pero nang manalo kami sa Gawad Urian, ang sarap ng pakiramdam na tinanggap sa sarili nating bansa ‘yung proyekto namin. Kung ako ang tatanungin ninyo, gusto kong gumawa ng comedy. Kung ako palagi ang mamimili ng project ko, gagawa ako ng seryosong pelikula, light sa TV. Something very meaningful sa pelikula, entertaining sa TV parang ganu’n. Iba-iba ‘yung nakikita nila sa akin. Pero okay lang, nasa stage ako na I’m able to choose my project. There are people like Ian na willing magtrabaho sa akin to produced something entertaining na gusto ko rin talaga. May mga doors na nag-open sa akin to produce things that I want to do.”
Nang dahil sa success ng tandem nina Echo at Direk Ian, may follow-up movie pala sila. “May pinaplano kami ni Direk Ian, busy lang siya sa isang pelikula nila with Matteo G., Rayver Cruz and Joseph Marco. After that, we’re gonna work for a new film again, pero secret muna ‘yun. Ibang-iba sa Alagwa, I’m very excited. For now, ‘yun muna ang naka-line-up kong project.”
Naging sentro rin ng usapan namin ni Echo ang nalalapit nilang kasal ni Kim Jones. “Gusto lang namin magpakasal, wala munang baby, not in the near future. Busy siya sa work niya, ayaw naming magbago ‘yung mga bagay-bagay. Gusto lang naming magpakasal at magkasama kami palagi. Ako magpi-pelikula at TV. Siya, continuous pa rin siya sa hosting and fashion. May mga pangarap pa rin siyang gustong matupad, parang ganu’n lang. Puwede na kaming magkasama kahit saan. Will announce it next year ‘yung wedding namin. It’s a beach wedding, ang plano naming dalawa.”
‘Yung tsika na nagli-live-in na raw sina Echo at Kim kaya minamadali nila ang pagpapakasal. “Hindi totoo ‘yun, may sarili siyang condo, ako, Marikina, siya Quezon City. Palagi kaming magkasama. Kapag wala siya sa house niya, she’s there with my family. She lives alone, wala siyang family rito nasa Australia. So, my family is her family. We spent a lot together, and we’re getting married.”
Nalaman din namin kay Echo na kinausap niya ang parents ni Kim for marriage proposal. “I did that, before I propose. Nagpaalam muna ako sa parents niya bago ako nag-propose na hindi niya alam. Gusto kong masorpresa siya, permiso muna ng magulang bago ko sabihin sa kanya. A little dangerous, baka masira ang surprise, ‘yun ang proper way.”
Hindi naman itinanggi ni Echo na paminsan-minsang nagkakatampuhan sila ni Kim, pero madali naman daw nila itong naayos . “In a relationship, may mga away-bati, bati-away, maraming challenges. Pero mas madalas ang joy sa buhay naming dalawa. Bad times makes a good day even better. She’s the type of a person who’s willing to support, love and give more love. Ako, ganu’n din ako sa kanya, she deserves all the love in the world because she’s so nice. For me, I call her my dream girl. I always say, jackpot ako.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield