BLIND ITEM: EWAN kung ito’y totoo. May nagtsika lang sa amin na ang isang guwapo at fast-rising young actor ay may dyowang isang baklitang pulitiko.
Medyo masalimuot ito, dahil ‘pag
sinabi namin kung ano ang ibinigay sa kanya ng bading ay siyempre, lahat ng daliri ay tuturo na sa young actor.
Basta sabihin na lang natin na ito ay isang “investment”. Isang property sa probinsiya na kahit na yata sinong baguhang aktor, kakagatin ang offer ng bading, ‘no? Ano ba naman ‘yong pahilamusan lang sa laway ng bading ang nota niya, tapos, isang bonggang investment na ang kapalit, ‘di ba naman?
Nu’ng ikinukuwento nga sa amin ‘yon ng isang kaibigan, nalokah kami at slight na humanga sa bagets, dahil aba, ma-runong na ring dumiskarte ang lolo natin sa bading, ‘no?
At least, isang tihaya lang, ang yaman na niya. Ikaw na, ‘di ba?
Pero ito pala’y super lihim na lihim, huh!
Dahil lihim ito, eh, mahihirapan tayo nang konti sa clue.
Ang initials ng bagets na ito ay nasa first five letters ng alphabet.
Kung hindi n’yo pa rin mahulaan, itanong n’yo sa kahoy. Chos!
At feeling bagets din ang pulitiko, huh! Huma-high school lang ang drama.
PAGKATAPOS MAG-SIGN UP for five years ni Sharon Cuneta bilang Kapatid sa TV5, ang nakatakda naman daw pumirma pero tatapusin lang muna ang kontrata sa ABS-CBN ay si Jericho Rosales, true ba?
Dati’y nabalita nang si John Lloyd Cruz ay mangani-ngani nang pumirma. 600M pesos daw ang alok exclusive for 3 years. So kung kukuwentahin ‘yon ay P200M a year. Very Sharon Cuneta lang ang drama na for 5 years ay P1B na ang halaga.
Juice ko, sino na kaya ang next?
Ako na kaya ito? Chos.
Hayaan n’yo na, ilusyon lang naman. Isa pa rin po kaming true-blooded Kapamilya. At 20 years na po kami next year sa ABS-CBN.
TUWANG-TUWA KAMI KAY Ms. Ai-Ai delas Alas, dahil bongga, dalawang awards ang naiuwi niya mula sa Star Awards For TV. Isang Best Comedy Actress for Malay Mo Madebelop at Best Single Performance By An Actress para sa Maalaala Mo Kaya.
Naalala pa namin si Ai-Ai nu’ng struggling days namin pareho. Lagi kaming pinaluluha niyan ‘pag bini-beep niya kami para puntahan siya sa Music Box.
Napaka-thoughtful at napaka-gene-rous na tao. “Hintayin mo ‘ko, ha? Sasampa lang ako.” That time, nag-i-stand up pa rin si Ai-Ai.
‘Pag bababa na ang lola n’yo, tsitsika sa amin at maya-maya, “O, ‘eto, bigay mo sa nanay mo, ha? Tapos, ‘eto pa,” mag-aabot sa amin ng food, kaya ‘yung nanay ko, bait na bait kay Ms. Ai-Ai.
Me mga times na kahit pareho na kaming may narating eh, hindi puwedeng makalimutan niya ang inaanak niya sa amin, “Sa’n ba ‘yang bahay n’yo at alam mo na… ang gift ko ke Erin, baka ma-forfeit!”
Sa bahay talaga pumupunta ang hitad para lang ihatid niya nang personal ang kanyang Christmas gift sa pamilya ko.
Simple gestures ‘yon na big deal sa amin, kaya nu’ng isang araw, kinumusta kami ni Ai-Ai sa text. Okay lang daw kami? Sabi namin, oo naman. “O, basta nandito lang ako, ha? Miss na miss na kita!” sabi pa niya.
Mula 1989 hanggang ngayon, si Mareng Ai-Ai talaga, hindi pinagbabago ng panahon. Kaya love na love ko ‘yan, eh.
Oh My G!
by Ogie Diaz