FEELING NAMIN ay hindi nagpakatotoo si Derek Ramsay when he said na hindi siya bitter na nawala sa kanya ang movie sa Star Ci-nema.
Tsinugi si Derek kahit na limang araw na siyang nakapag-shoot sa pelikulang pagsasamahan nila ni Bea Alonzo. Ito ay matapos lumipat ang hunk actor sa TV5.
Siyempre, ang natural reaction dapat ni Derek ay masaktan pero hindi ito ang kanyang pino-project. Hindi raw siya bitter.
Pero gaano katotoo na type raw ni John Lloyd Cruz ang role ni Derek Ramsay sa Star Cinema movie niya. Kaya lang mukhang hindi niya ito magagawa dahil may soap pa sila ni Bea.
MALAKAS PALA ang appeal ni Jericho Rosales sa mga kasambahay. Siya kasi ang special requests ng mga household help na makita sa Pasinaya 2012 ng Bel-Air Village sa Makati.
Ito ang aming nalaman mula sa barangay chairman nilang si Nene Lichauco. This year, ang theme ng Pasinaya ay Bel-Air: #1 in Fun which is in conjunction with the Department of Tourism’s It’s More Fun in the Philipines campaign.
“We always invite celebrities. Nagtanong kami sa mga kasambahay kung sino ang gusto nilang personality. Ang celebrity who received the loudest cheer among the kasambahay ang aming kinuha and he’s Jericho,” esplika ni Ms. Lichauco.
Jericho will perform on the first day of the festivity, on May 4, ang gabi ng mga kasambahay.
Ms. Lichauco explained that the Pasinaya festival started in 1993 as their way of giving back to the people.
“It’s a thanksgiving event for all the benefits na aming nakuha. It made us closer. There was full of cooperation from the community,” she explained.
Sabi pa niya, they don’t earn a single centavo from the event. Ang anumang kinikita nila ay napupunta sa 12 charities nila.
“We give back the money to the people. We would like to spend for them. We invite everybody. We would like to share,” she said.
Sabi naman ni Susan Calo-Medina na Bel-Air resident for the past 43 years, DOT campaign-related ang kanilang theme for this year.
“It’s very apt, swak na swak siya. The objective really is to integrate with the campaign of the Department of Tourism,” esplika ni Tita Susan na executive producer ng festival which will run from May 4 to 6.
Sa unang araw ay may trade fair at show ni Jericho. On the second day may blessing ng new barangay structure, yoyo exhibit, group dance competition, rockeoke. On its final night ay may animal show with Kim Atienza, bingo social and performance by Bituin Escalante.
BLIND ITEM: May matinding problema siguro ang isang male singer na nagbalik sa bansa ma-tapos manirahan ng ilang taon sa US.
It appears na sobra siyang na-depress dahil nawala na ang kanyang kinang bilang singer. Hindi na siya kasingsikat noon. He’s lost his appeal. No one gives him a chance now. Ni wala na halos siyang guestings maging sa TV or sa mga show.
With this, ang napagbalingan daw ng singer ay ang pag-inom ng alak. His family was super disappointed kaso wala raw silang magawa.
What worries his family is that kagagaling lamang niya sa isang sakit na may kinalaman sa mga lalaki.
Who is this singer? Well, he’s somebody na hindi yata kayang tanggapin na nawala na siya sa eksena. Gets n’yo na?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas