SA PRESSCON ni Jericho Rosales para sa kanyang bagong album, inusisa namin sa kanya ang tungkol sa cultural differences nila ng half Bristish-half Filipina girlfriend na si Kim Jones. Dito umamin si Echo na meron nga at natutunan na niyang i-overcome ito.
Kuwento pa niya, “Nung simula meron. Kinakailangan niyang masanay sa Filipino time. I had to change, wala na sa akin ngayon ang Filipino time, kasi reason niya is that you know, importante ‘yung time ng bawat tao. Whether it’ll be 10 minutes or 15 minutes, so para siyang pulis para sa akin. Number one, Filipino time, ako rin, nag-adjust din ako sa oras niya. So now, thank you at hindi na ako nali-late, minsan na lang.
“So anyway, number one… and then a couple of things, and then what’s good about her is that she has Filipina vibes, kumbaga para sa kanya. Du’n kasi, ‘pag sinabi mo, sinabi mo. If you make plans, don’t change it right away. Eh, ako si ‘Buhawi Jack’ ‘pag nagplano ako, ‘pag gising ko, naiiba ‘yung plano ko. ‘Yun lang time and planning. She’s very organize, ‘yung ibang bagay wala na.”
Inusisa din namin si Echo ng kanyang assessment sa buong mga pangyayari sa kanyang buhay at karera. Nag-pay off kaya ang kanyang muntikan nang pag-alis sa showbiz noon para isulong ang kanyang hilig sa pagkanta?
Dito naging seryoso siya at ayon sa kanya, “Feeling ko talaga, essential ‘yun sa career ko, eh. 16 years naman, siguro may lisensiya naman akong maburyong nang kahit konti. What I’m happy about is the fact that I was able to… nakatayo ulit ako, kasi na-challenge ako. Kalaban ko lang naman ‘yung sarili ko, ‘di ba? I really wanted to quit because hindi ako nakakahanap ng malalim na meaning du’n sa ginagawa ko.
“I’m so happy that I found something, I got reason to keep going parang ganu’n. Now if you’re asking me again ‘ano ba ang hindi ko kayang gawin, ano ba kaya kong gawin?’ Parang lahat na ‘ata gusto kong pasukin. I’m taking my time dahil alam ko marami talaga akong gustong gawin. To close that chapter, that was really essential, that was really, really needed especially for an artist like me.”
MGA BANDANG lunchtime noong Biyernes ay nakapag-file na si Governor Vilma Santos ng kanyang Certificate of Candidacy o COC sa Comelec Office ng Provincial Capitol ng lalawigan.
Muling tatakbo sa pagka-gobernador si Governor Vilma sa ilalim ng Liberal Party. Nag-file din si Board Member Christopher de Leon ng kanyang kandidatura sa pagka-kongresista naman sa Second District ng Batangas. Pati si Joko Diaz ay nagsumite rin ng kanyang kandidatura bilang board member ng lalawigan.
As of Friday lunchtime, dalawa ang magiging kalaban si Governor Vilma sa naturang puwesto, ito ay sina Marcos Mandanas, Sr. at Arturo Atienza.
Ayon pa kay Ate Vi, mahalaga sa kanya ang kanyang magiging ‘last term’. Aniya, “ang last term, du’n mo makukuha ang report card, du’n mo makukuha kung ikaw ba ay pumasa, ‘yun na ‘yung pinaka-diploma mo.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato