130 TO 150 guests ang ipina-reserve ng EchoTin fans sa Max’s Restaurant nu’ng Sunday afternoon. Ang bongga! Kasi, ‘yung ibang mayayamang supporters nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ay talagang nag-ambag-ambag para lang makapag-get-together sila.
Tapos, ‘yung ibang nasa abroad nakatira, aba, lumuwas pa, dahil siyempre, makakaharap na rin nila finally ang kanilang mga idolo. So, set ng 4 P.M. May guesting daw ng The Buzz, okay.
Tapos, ‘eto na. Ang dumating lang ng bandang 6 P.M., si Jericho lang. Wala si Tintin. Ang rason daw, may pupuntahan sa ospital o magpapa-check-up siya sa ospital.
Sabi nga ng mga fans na um-attend, sana man lang, nagpakita kahit saglit. Lumuwas pa ang mga ‘yon sa probinsiya at abroad, tapos, si Echo lang ang nandu’n.
Mabuti’t very game naman si Echo na pagtakpan ang absence ni Tintin at sinagot din niya ang mga katanungan ng mga fans sa abot ng kanyang makakaya.
As usual, ‘pag loveteam ang hinahangaan mo, kahit naka-recover na kayo sa inyong split-up ay magbabakasakali pa rin sila na maibalik ang dati.
Hindi naman ito nawala.
At thank you kay Cristine Bersola-Babao, dahil siya ang nag-emcee. Alam n’yo ba kumbakit? Eh, paano kasi, fan pala siya ng EchoTin.
AND SPEAKING OF Tintin Bersola-Babao, two weeks from now ay manganganak na siya sa baby boy nila ni Papa Julius. Ang pangalan ng baby ay Antonio Franchesco na hindi namin naitanong kung ano ang palayaw.
Dahil si Antonia na panganay nila ay “Anya,” so dahil Antonio ang name ng next baby nila, ang palayaw ba’y “Anyo”?
“O, at least, kumpleto na kayo, Papu!” Sey namin kay Julius na hinatid ang misis sa Max’s. Samantalang kami, hindi makadale ng boy. Ayun, we have four daughters now.
Na hindi namin nire-regret, dahil every baby is an angel. And every baby is a blessing. Aba, katuwiran nga namin, ‘yung iba nga, kahit fetus, wala, eh. And we hope, magkaanak na rin ang mga deserving na couples out there.
And speaking of anak, naku, si Marissa Sanchez ang gusto naming magbuntis na. Lagi niyang ipinagdarasal na sana’y ‘wag na siyang datnan, mabuntis na siya, like that.
Eh, there was one time, hindi talaga siya dinatnan for two months ‘ata. Sabi niya, ‘eto na yata ‘yon. Ang nakakalokah, ‘eto na. Bigla siyang dinatnan. False alarm pala.
Kung anu-ano na ring proseso ang ginawa sa kanya at ginastusan nila ng kanyang asawa, pero wala talaga. Sabi nga namin kay Marissa, try to adopt a kid.
Bigyan nila ni Ian ng magandang kinabukasan at malay natin, gantimpalaan sila ni Bro ng isang supling, just like what Claudine did.
“’Eto na nga, mare, eh. ‘Yung anak ng pamangkin ko, sa amin muna habang nasa abroad ang parents. Ang hirap, pero masarap!”
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn with Ms. F, Eric Borromeo at Rommel Placente.
Oh My G!
by Ogie Diaz