SINA NI Kristine Hermosa ang bida sa original na iconic series na Pangako Sa ‘Yo. At natutuwa raw si Jericho Rosales sa matagumpay ring pagsisimula ng airing ngayon ng remake nito, kung saan sina Kathryn Bernardo naman at Daniel Padilla ang lead roles.
“Congrats! Congrats!” nangiting sabi nga niya nang makausap namin sa premire night ng You’re Still The One kamakailan, kung saan isa cast si Maja Salvador na leading lady niya sa ABS-CBN primetimes series na Bridges Of Love.
Nakapanood ba siya ng bagong bersiyon ng Pangako…?
“Konti lang, e. Konti lang. Kasi nagsi-shoot kami,” no’ng Lunes (May 25) ang ibig niyang sabihin na siyang pilot airing ng Pangako Sa ‘Yo.
How does he feel na umeere na nga ito at nag-trending pa sa unang gabi nga?
“Nostalgic siyempre, ‘no?” nangiti ulit na sagot ng aktor. “Siyempre I feel proud na ‘yong show namin, naging isang remake. Classic siya ngayon, na naging isang remake, ‘di ba? And I’m very, very happy for the two… si Daniel and Kathryn. Of course, passion project ito para kina Direk Rory (Quintos), kina Inang (Olive Lamasan)… ‘di ba? And para sa lahat ng tao na nag-work sa Pangako Sa ‘Yo dati. So, I’m sure they’re having fun producing the show. And you know, making the episodes… lahat.”
Si Daniel, sinasabing sobrang napi-pressure daw sa pagganap sa character ni Angelo na unang ipinortray ni Jericho fifteen years ago. Ayaw na nga raw nitong panoorin ang original na Pangako Sa ‘Yo, kasi baka hindi nga raw mapantayan ng young actor ang naging mahusay na performance niya.
“A piece of advice you know… si Daniel kasi, I always say… you make a lousy then, you make a great you. And Daniel is a… he’s really original. And sakto lang na gumawa sila ng isang remake because people love it. You know, people… teenagers of 2015 want to see Pangako Sa ‘Yo kung papano ito ngayon. They (Kathryn and Daniel) just have to do their thing. And they’re guided by great directors and writers, ‘di ba? So, I don’t think they should focus on the pressure, if they are. Parang gano’n. But… kumbaga lahat kami, proud kami sa kanila. You know, they’re taking on the great and exciting project. It’s already exciting.”
Totoo ba na hanggang ngayon ay nililigawan pa rin siya na magkaroon ng special role sa remake ng Pangako Sa ‘Yo?
“Before ‘yon. Not now. Before. No’ng bago mag-start. But I already said… gusto ko lang manood ng Pangako Sa ‘Yo.”
‘Yon na!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan