LAST YEAR, sa promo pa lang ng MMFF entry nina Jericho Rosales et al na Yesterday, Today, Tomorrow, lagi na naming tinatanong kay Echo ang tungkol sa babaeng nagpapatibok ng puso niya. Pero iwas na iwas ito sa topic na ‘yun at ibalato na lang daw sa kanya hanggang sa susunod na taon, sa Valentine’s Day nga.
Pero nitong Sabado, sa isang event kung saan guest si Echo sa dating game ng isang face cream, muli namin siyang inusisa kung handa na ba siyang i-pakilala kahit pangalan man lang ng kanyang ‘apple of the eye’. Pero umiiwas pa rin ito na pag-usapan ang girl.
Pero sa kolum ng ating kasamahang si Alex Brosas dito sa Pinoy Parazzi, binanggit niya ang pangalan ng isang Kim Jones na diumano ay karelasyon ni Echo. Isang Fil-British model daw itong si Kim na nakatira sa Australia. Well at least may pangalan na ang palaging iniiwasang tanong ni Echo.
Sa ngayon daw, busy rin siya sa paggawa ng album na dapat daw sana ay February ang release, kaso naantala, kaya baka March o April na ito lalabas. Kasalakuyan pa rin daw niyang ginagawa ang indie film na Alagwa, kaya busy raw talaga ngayon ang binata.
NAPUNO NG naggagandahang fireworks display ang bayside sa may Mall of Asia noong nakaraang Sabado ng gabi sa ginanap na 3rd Pyro-Musical Olympics, kung saan ilang bansa ang naglalaban-laban sa pagandahan ng fireworks display sa saliw ng iba’t ibang musika. Special guest si David Archuleta sa nasabing event na lumipad pa from Singapore. Nakausap namin si David at ayon pa sa kanya, super fun ang naging experience niya sa taping ng Nandito Ako.
Marami raw siyang natutunan sa pag-arte, sa pakikisama, sa mga salitang Pinoy at higit sa lahat ang masasarap na pagkaing Pilipino.
All praises din si David sa direktor niyang si Direk Mac Alejandre at sa mga ka-loveteam niyang sina Eula Caballero at Jasmine Curtis-Smith.
Sa Lunes na magsisimula ang pangalawang mini-serye ng TV5 na Nandito Ako sa Primetime Panalo.
PAGKATAPOS NG Glamorosa, sabak na naman agad sa taping si Alice Dixson, this time sa pinakabagong panghapong serye ng TV5, ang Isang Dakot na Luha na pagbibidahan ni Danita Paner.
Interesting ang kuwento ng Isang Dakot na Luha dahil ayon pa kay Direk Eric Quizon, marami ang makaka-relate na mga Pinoy rito lalo na sa usapin ng pamilya.
Sa February 27, nakatakdang umere ang Isang Dakot na Luha, ka-back to back ang isa pang panghapong serye ng Kapatid Network na Felina, starring Arci Muñoz.
Sure na ‘to
By Arniel Serato