MALAKING advantage para kay Jerick Dolormente ng Starstruck Final 14 ang maikumpara sa Kapuso heartthrob na si Alden Richards. Si Jerick ay isa sa dalawang kasama sa Final 14 na nagre-represent ng Bicol.
“Sabi po nila, unang tingin daw sa akin may hawig ako kay Alden. Siyempre, masaya po ako, pero iniisip ko kung totoo talaga. Hahaha.
“Tapos titingnan ko ang sarili ko kung saan banda nga ako kahawig ni Alden,” reaksyon ng binata.
Eh, sa tingin niya saan nga ba sila magkahawig ni Alden?
Sagot ni Jerick, “Sa mata po siguro. Tsaka pag nag-smile ako. Hahaha.”
Matagal nang gusto ni Jerick na mag-artista kaya lang hindi raw niya alam kung paano ito sisimulan.
“Bata palang ako Tito gusto ko nang mapanood sa TV ang sarili ko, pero hindi ko alam kung paano yon gagawin.
“Pangarap ko talaga maging artista. Nung nakaluwas ako ng Manila, don na ako nakapag-umpisa, sa mga taping, hanggang sa naswertehan ko na makapasok sa Starstruck, at dito na nagsisimulang matupad unti-unti ang pangarap,” pahayag pa ni Jerick.
La Boka
by Leo Bukas