OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo. Kaloka, as in, mabubuwang ka talaga sa Earth sa mga patutsada ng bagong manager ni Charice. Kasi questionable daw ang paghanga ng mga Pinoy kay Jessica Sanchez.
Pinagpipistahan kasi ngayon sa Twitter ang naging pahayag nitong si Courtney Blooding tungkol kay Jessica na half-Filipino/ half-Mexican. Aniya, “Why do the philippines claim jessica sanchez? jessica was born and raise in the U.S i dont think she speak tagalog, which to me, makes her true american. How many people in the U.S comes from the mixed cultured background? we r a melting pot. and i just read in a news that its her first ever trip visit to the phil. isn’t a filipino passport kind of a big indication of citizenship and a lack of one a big indication of no citizenship?”
‘Di ba nakakaloka ang pahayag ni Blooding? Kaya lang, parang natauhan ang manager ni Charice at biglang binawi ang kanyang pahayag at ito ang sinabi niya: “if only the people of the philippines would stop looking elsewhere and fucos on local things, maybe they could see the value of the great people and resources there, many great things and people there. its just a group of mentality that is not good enough. its kind of a turn off to a foriengner such as my self coz it can come across as ungreatful for the talent and resourses God gave.”
Lalong nag-alimpuyo ang mga fans ni Jessica at kanya-kanyang opinion ang mga sinabi nila, tulad nga ng: “Si jessica, kano na nagpipilit mg tagalog… si charice, pinay pero feeling- kana, blonde na todo inglish pa.”
Sigaw naman ng mga fans ni Charice: “nakakahiya ang mga pinoy sa pag iidolo kay jessica dahil si jessica daw ay kano.”
Pero habang tinitipa ko itong column ko, biglang dumating ang dati kong co-host sa bahay na si Ivy Batulajar (Datz)at binabasa ang column ko. Biglang sinabi na, “tama ‘yan, at least si Jessica, hindi hambog at simple lang ang dating. Si Charice, pinipilit niyang maging Kana, pandak naman at nagpa-blonde pa ng buhok, at pabaya sa kanyang mga magulang. Si Jessica, naturingan mang hindi Filipino ay nagsisikap na magsalita ng ating sariling wika, kahit na doon siya isinilang at lumaki sa America. Kabaliktaran naman ni Charice, kausapin mo ng Filipino, at maloloka sa sagot niya, kasi pa-slang-slang pa siya sumagot ng English.”
Ngayon, sino ang nagpapaalipin sa mga banyaga? Ang tulad ni Jessica na lumaki sa America, pero pinahahalagahan ang pagiging Pinoy? O si Charice na dito mismo ipinanganak sa Laguna at nag-aral, pero nagpapaka-trying hard na maging Americana sa kanyang pagsasalita, kilos at gawa, at lalo na ang buhok na blonde?
Kung ako ang tatanungin, kasi matanda na ako pero may fan mentality pa rin, para sa akin, ang paghanga ay may kasamang respeto na kusang ibinibigay na hindi puwedeng bilhin ng salapi. At si Jessica, gustong suportahan ng ating mga kababayan dahil siya ay nagpapaka-Filipino at hindi hambog.
Hello! Si Blooding pa ba ang isang Amerikanong magdidikta sa atin para hangaan ang isang Pinay na hindi naman nagpapaka-Pinay? Kaloka!
SPEAKING OF Pinoy, matutuwa ka naman dito sa aking alaga na si DK Valdez na talagang 100% Pinoy, pero sikat siya sa Germany dahil doon nakilala ang songs niya sa Pinoy Radio U.K. sa London. Pero nagsisikap siya na rito makilala sa ating bansa bilang mahusay na performer.
Sa katunayan, sa-bi niya sa akin, by january pa siya makakaarangkada sa ‘Pinas dahil matatapos na ang kanyang kontrata sa Germany at gagawa siya ng Christmas album.
Pero teka, huli man daw at magaling naihahabol din. Congratulations nga pala kay DK sa nakaraang PMPC Star Awards for Music dahil siya ang tinanghal na Best New Male Recording Artist of the Year. Ayon sa kanya, nu’ng sorpresa niya akong dinalaw sa bahay, kahit bising-busy siya sa mga shows niya sa Germany, binigyan niya ng panahon ang um-attend sa naturang awards night. Kasi nga, isa siya sa mga nominado at wala siyang kamalay-malay na siya ang paparangalan.
Masaya at sobrang proud din ako, kasi ako ang nag-introduce sa kanya sa Pinoy radio U.K. Kasi may program din ako roon via skype na patutugugin ang kanyang mga song, like My Love Will See You Through at Tataggapin Pa Ba Kita?, kung saan kaagad na nakapasok sa top 10 ang My Love Will See You Through, at most requested song naman ang Tatanggain Ba Kita?
Salamat di sa kasaman kong DJs na sumuporta kay DK. Ang nakakaloka, ang mga songs niya ay mas nauna pang sumikat sa ibang bansa. Kaya gusto niyang umarangkada siya sa susunod na taon para makapag-concentrate siya sa pagpo-promote ng kanyang mga awitin sa ‘Pinas. Good luck, DK Valdez!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding