DYUSKO, NAG-TRENDING hindi lang sa twitter, maging sa tsismisan sa mga kapitbahay ang “American Idol Finale” dahil nga, buong sambayanang Pilipino were rooting for our kababayan Jessica Sanchez.
Eh, hindi pinalad si Jessica, dahil si Phillip Phillips ang wagi, aba, ang ibang Pinoy ay nagpoprotesta. Dapat daw, si Jessica. Eh, ‘di sana sila na lang nag-judge, ‘di ba?
Ginawa naman ng lahat ng Pinoy ang lahat ng klaseng orasyon, pagdarasal, kaso, gano’n talaga, eh. Pinahintulot na ‘yon ng Diyos.
Ipagpasalamat na natin na si Jessica ay hindi katulad ni Chief Justice Renato Corona na nag-walkout. Bagkus nu’ng matawag ang name ni Phillip ay buong higpit pa niya itong niyakap.
Hinahanap ng ibang kababayan ang wala, pero hindi nila binibilang ang mga blessings.
Hindi ba’t napaka-humble naman ni Jessica to accept her defeat? At least, ang mundo’y nakatutok at isa lang ang sinasabi, “World class ang galing ng Pinoy at bukod diyan, marunong tumanggap ng pagkatalo ang mga Pinoy.”
At sana, hindi na makarating sa buong mundo ang paghihimutok ng karamihan porke hindi natupad ang pangarap nilang manalo si Jessica.
DESERVING DIN naman si Phillip Phillips na tanghaling grand winner. Maganda ang boses ng potah at ang lakas din ng arrive. Kung hindi tayo matutuwa sa tagumpay ng iba eh, ‘wag na tayong sumali sa iba pang contest o ‘di kaya’y ‘wag na ninyong subaybayan ang anumang contest.
Saka let’s face it, hindi lahat ng nagwawagi ay nagdidire-diretso ang career. Kung minsan nga, ‘yun pang mga runners-up ang eventually nakikilala ng marami.
So, isipin na lang natin na sa bilang na 100 thousand plus na nag-audition, nakapasok hanggang huli si Jessica na muntik-muntikanan pang matanggal, pero sineyv lang ng mga hurado.
Masama pa bang isipin na nakapasok sa finale si Jessica?
Hindi na, ‘di ba?
Just count the blessings of our country, ‘ika nga.
‘Wag nang mag-emote!
ANG TOTOO, wala pa ‘yung “American Idol Finale” ay may kani-kaniya nang representative ng ABS-CBN, TV5 at GMA-7 ang umaawit sa kampo ni Jessica Sanchez para maikontrata ang singing idol.
Pero wala kaming balita kung sino ang may pinakamalaking offer at ang nagwaging istasyon. Dahil ang totoo rin, ipagpapatuloy ni Jessica ang kanyang career sa US bilang recording artist at ang sabi nga ni Thalia (aka Marimar) sa kanyang twitter account: “Wow! Great news! Tommy Mottola just call me from American Idol and he is confirmed to work in the first Jessica Sanchez CD!”
So, baka wala ring makakuha ng karapatan kay Jessica rito sa bansa. Pero ganunpaman, we heard na pupunta rito si Jessica para magpasalamat sa mga Pinoy.
Pero sana, wala nang motorcade mula airport tapos igagala ng Maynila na kasama si dating Mayor Lito Atienza, ha? Awat na, please.
Oh My G!
by Ogie Diaz