IKINATUWA NAMIN ang tsika, nagkakamabutihan na raw ngayon sina Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola. Iba raw ang body language ng dalawa tuwing nasa taping ng kanilang telseryeng Paraiso. Kahit hindi nagkikita, tuloy pa rin ang kanilang communication thru text and call. Nagka-developan na raw nang hindi sinasadya. Well, parehong single at katatapos lang makipaghiwalay sa kani-kanilang karelasyon.
Ngayon nga lang daw napag-ukulan ng pansin ni Matteo kung gaano ka-special si Jessy. Bukod sa pagiging mabait nito, magkasundo pa sila sa maraming bagay. Maging ang buong cast at production staff ng serye ay ikinatuwa na may MU nang namamagitan kina Matteo at Jessy. Pero wala pang pag-amin kung totoong nanliligaw na nga ang binata.
Special friendship kung i-discribe ni Matteo ang relationship nila Jessy. Ayaw raw nitong madaliin ang mga bagay-bagay. Ang importante, ine-enjoy raw nila ang isa’t isa at kung sakaling dumating sila sa point na maging sila, wala naman daw magiging problema dahil pareho silang single. Oo nga naman…
HINDI NAG-COMMENT si Bong Revilla sa mga pasa-ring ni P-Noy nang banggitin nito ang anting-anting at agimat noong dumalaw ang pangulo sa Imus, Cavite. Naging underdog pa nga ang action superstar at nakuha niya ang simpatiya ng publiko. Kahit hindi pa ito nagdedesisyon kung tatakbo nga siya bilang pangulo ng bansa or bibigyang-daan niya si Sen. Jinggoy Estrada, marami na ang gustong sumuporta sa senador.
After the election, gagawin agad ni Bong ang pelikulang Sugo (The Last Messenger) under Imus Production. Ito’y true-to-life story ni Ka Eduardo Manalo (apo ni Felix Manalo, founder ng Inglesia ni Cristo. Sa ngayon, pinaplantsa na ang movie project na ito. Kapag natuloy, todo ang suportang ibibigay ng INC if ever tatakbog presidente si Senator sa 2016.
Ayaw paawat sa taas ng rating ang epicseryeng Indio ni Bong kaya’t hindi niya pinag-uukulan ng pansin ang kanyang detractors na patuloy ang banat sa kanya. Naka-focus ang atensiyon niya sa serye. Nakapaninibago ang acting na pinakikita ni Bong sa serye. Madamdamin kung magbitaw siya ng dialogue, punung-puno ng emosyon, ramdam na ramdam mo. Pati mata niya nangungusap, maging ang pag-iyak, napaka-natural. Thanks to Phillip Salvador at nabigyan ng justice ni Bong ang bawat eksena na siyang acting coach niya sa set. Lalong naging effective ang pagiging indio niya sa nasabing soap.
WALA RAW kaarte-arte si Marian Rivera sa shooting ng pelikula nila ni Ai Ai delas Alas under Reality Entertainment nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde. Ayaw raw nitong magpatalbog sa mga fight scene at comedy scene nila ng Comedy Queen. Always on the go, ayaw raw magpatalbog ni Marian kahit eksena na ng comedienne. Hindi kayang pantayan nito ang acting power ni Ai Ai, mapa-action, comedy or drama, say pa ng aming kausap.
Maganda naman daw ang pakikitungo ni Marian kay Ai Ai sa set kahit bihira lang mag-usap ang dalawa. Knows naman ng actress-comedianne ang pagiging supladita at antipatika nito kaya’t civil lang daw ang pakikitungo niya rito. Nakikiramdam lang si Ai Ai,hindi pinag-uukulan ng pansin si Marian, trabaho lang, ‘ika nga.
Pinapanood din namin ang Temptation of Wife dahil sa ganda ng takbo ng istorya. Grabe ang effort ni Glaiza de Castro, ang galing niyang umarte. Swak sa character niyang maging kabit ni Dennis Trillo. Hindi na kailangan ni Marian iarte pa ang pagiging maldita. Natural na sa kanya ang ganu’ng eksena maging sa totoong buhay. Kina-casual na lang nito ang matataray nilang eksena ni Glaiza. Sa totoo lang, very effective si Marian maging kontrabida.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield