HINDI MAGANDA ang feedback na naririnig namin tungkol kay Jessy Mendiola after ng kanyang Mexican teleseryeng Maria Mercedes with Jake Cuenca and Ms. Vivian Velez, naging antipatika na raw ang dating nito nang maging bida. Bigla raw nagkaroon ng negative attitude sa kapwa niya artista maging sa production staff.
Ayaw namin maniwalang nagbago na nga si Jessy nang pag-uugali. Pero parang totoo ang tsika dahil hanggang ngayon wala pang follow-up kung may kasunod na TV project sa kanya ang ABS-CBN. Sana nga hindi totoo ang tsikang ito dahil makasisira sa kanyang career na ngayon pa lang nagsisimula.
Bilib pa naman kay Jessy si Ms. Vivian as an actress. Puring-puri nito ang dalaga at itinuturing na nga niyang anak ito sa set. Hindi naniniwala ang magaling na actress na may attitude problem si Jessy. Ilang months din silang nagkasama sa taping, kahit papaano nakilala niya ang dalaga.
“Mabait na bata si Jessy, mahal niya ang kanyang propesyon. Sa tingin ko, iniintriga lang siya,” depensang sabi ni double V.
Well, ganu’n yata talaga kapag sumisikat ang isang artista. Hindi maiiwasang intrigahin. Ibig kayang sabihin, nagle- level -up na si Jessy Mendiola kina Maja Salvador at Erich Gonzales?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield