DAMING LAIT ang inabot ni Jessy Mendiola nang magkalat siya bilang host sa UAAP Cheer Dancing Contest recently.
Kasi naman, mali-mali ang pronounciation ni Jessy ng mga salita. Imbes na plaques of appreciation ay pleyks of appreciation ang kanyang sinabi.
Nagwala ang mga tao sa social media sa panlalait sa kanya. Talagang naging trending topic ang hitad. Isa sa mga bumatikos si Yayo Aguila.
“Plaques pronounced as PLAKS, hindi PLEYKS! Kahiya! Dapat pinag-aaralan ang sinasabi o binabasa. Dapat legit na HOWST kasi kinukuha, eh,” say ni Yayo sa kanyang Twitter account.
Aminado naman si Jessy sa kanyang blunder. “I had so much fun hosting UAAP CDC! Pangako, kahit dumugo pa ilong ko katabi si Boom. Congrats National University! Kayo na talaga!” tweet niya.
Ginawa pang humor ni Jess ang kanyang pagkakamali when she tweeted a follower, “Good morning. Mahal ko kayo kahit ayaw nyo sa akin, “pleyks man”.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas