ANO RAW ANG masa-sabi namin kay Shalala at ito na raw ang bagong “Blind Item Queen” at hindi na kami? Honestly, we’re so happy for Shalala.
Wala pa ‘yan sa TV5 ay magkaibigan na kami niyan. ‘Pag nagkakasalubong kami sa McDo, walang humpay na tawanan ang ending namin.
Kung siya man ang bagong BI Queen, wala namang problema. Unang-una, title lang naman ‘yan. Saka sa tagal ba naman namin sa industriyang ito, ngayon pa ba kami makikipagkumpe-tensiya sa title?
Me prize ba, if ever? Ha-ha-ha-ha!
But honestly, happy kami for him. Basta ‘wag lang niyang kalilimutan ang mga taong nakasama niya sa baba bago siya napunta sa taas.
Me gano’n?
SANA NAMAN AY tuluy-tuloy na ang career ni Jewel Mische ngayong isa na siyang Kapamilya. Leading lady siya ni Gerald Anderson sa Buhawi Jack.
Pero nu’ng guesting niya sa E Live ay sayang, nasa labas kami ng istudyo, hindi namin napanood ang interview ni Luis Manzano.
Tapos, bigla na lang kaming nakakuha ng mga tweets na “naaartehan” silang magsalita kay Jewel. Parang paliguy-ligoy raw. At meron pang dayalog na, “Can I move now to my invitation?” na ang ibig sabihin, kung puwede na siyang mag-plug ng Buhawi Jack.
Sorry, can’t comment on this, dahil hindi nga kami nakapanood at busy kaming nakikipag-usap sa production staff.
Narinig na lang namin sa isang guard na, “Si Matet de Leon ba ‘yon?” na noon lang namin na-realize na oo nga, kamukha nga. He-he-he.
NAKASALUBONG NAMIN ISANG umaga si Direk GB Sampedro sa labas ng McDo Timog. Papasok siya, kami naman ay palabas kasama namin ang dalawang anak.
Itatanong sana namin kay Direk GB kung totoong sila na ni Ai-Ai delas Alas pagkatapos ng relasyon nila ni Candy Pangilinan, kaso, diyahe naman, dahil kasama niya ang dalawa niyang anak that time.
“Magbe-breakfast lang kami.”
“Obvious ba, direk, nakapantulog pa ang mga anak mo?”
Mga anak ni Direk GB ‘yon sa talent manager na si Maristel Fernandez.
NU’NG MARINIG NAMING tumulong na naman sa movie industry si Sen. Migz Zubiri ay hindi na kami na-shock, dahil ever since, kahit hindi siya artista, eh very supportive na siya sa showbiz.
Noong 2008 nga, nagbigay si Sen. Zubiri ng halagang P2.5-M sa Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino (NMPP) thru Direk Joel Lamangan para gamitin sa scholarship for kids ng mga movie crew na mabababa lang ang sinasahod.
Last 2009 naman, nagbigay uli si Sen. Zubiri ng another P2-M bilang starting capital ng NMPP for housing project in partnership with NHA.
Si Migz din ang nakipag-usap sa NHA para sa mga requirements basta may endorsment from NMPP.
Last Nov. 2010 naman, nagbigay naman ang senador ng P300k sa stuntmans thru Baldo Marro for livelihood assistance.
Normal na kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Sen. Lito Lapid ang tumulong sa ating industriya. At nakakatuwang dumagdag pa ang magiting na senador na si Migz Zubiri.
Siyempre, ang “tulay” ng mga showbiz kay Migz ay si Kumpareng Gerald Dequina, kaya thank you, thank you!
Oh My G!
by Ogie Diaz