Mala-launch ng isang new discovery sa showbiz ang ginawang pagwelkam ng Wowowin last week kay Jeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man. Jeyrick caught social media by storm dahil sa kanyang mga still photos habang pasan-pasan niya ang kaing-kaing ng mga inaning carrots sa isang malawak na taniman sa Mt. Province.
Saanmang anggulo sipatin ang kanyang mga larawan, photogenic si Jeyrick. His dimples (magkabila nga ba?) would surely give Alden Richards a run for his money. Jeyrick is equally good-looking on TV.
Dahil sa artistahing itsura ni Jeyrick, marami tuloy ang nag-uudyok sa kanya to penetrate showbiz, but wait, mukhang tayo lang ang nangangarap para sa binata whose dream—at dapat ay ating suportahan—is to continue his studies. Grade Six lang ang natapos ni Jeyrick, blame it on poverty.
Let’s not add to his values distortion. Na porke’t guwapo siya, we immediately think of showbiz to alleviate his condition. Showbiz is not the key to Jeyrick’s success dahil ang mas pinanghihinayangan natin ay ang kanyang magandang mukha na lupa sa bundok ang nakikinabang.
Ani Jeyrick, magpapaalam daw muna siya sa kanyang lolo kung papayagan siyang mag-artista. In his words alone, halatang hindi niya pangarap ang pag-aartista, tayo lang ang may pangarap niyon para sa kanya.
Hindi namin alam kung ikatutuwa namin ang inosenteng (o ignoranteng?) kakyutan ni Jeyrick nang siya ang pinagbilang ni Willie Revillame ng “inani” ring peso bills ng naglaro sa segment na Cashalo. Here’s how Jeyrick counted the bills, “Sampung libong piso…sampu isang libong piso…sampu dalawang libong piso…” and so on until he stopped at, “sampu limang libong piso.”
Of course, what he meant was labinlimang libong piso or P15,000.
Du’n pa lang, alam mong Jeyrick needs education so badly, that if he chooses to take a showbiz route—where he doesn’t have to work the soil para kumita ng pera—malabong gustuhin pa niyang bumalik sa paaralan.
Let’s not deprive Jeyrick his basic right to education, hangga’t maaari ay ilihis natin siya from that zigzaggy road patungong showbiz bagkus direct him towards sa “daang matuwid” (not espoused by P-Noy, huh!) which is pag-aaral. ‘Yun ang tunay na yaman bukod sa inaani niyang mga carrots mula sa mayamang lupa ng kabundukan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III