NAKAKATUWA ANG MAKAUSAP mo ang mga bulilit lalo na’t makulit. Andu’ng pasukin mo ang mundo ng mga bata upang mauunawaan mo sila at maintindihan ka rin nila sa kanilang matataas at maliliit na pangarap na tila abot-kamay na lamang nila.
Kaya naman mga kaparazzi, andu’ng makipaglaro ako sa interbyu nating isang kid star ng GMA-7, si Jhiz Deocareza. Umpisahan na natin ang pakikipaglaro sa interbyu. Ah, sa Futbolilits, ikaw din ‘yun… “Ahhh. Opo, at saka nag-Wansapanataym.”
Kilala mo si Buboy? “Opo, kilala po.” Nu’ng nainterbyu ko ‘yun, ‘di pa masyadong sikat ‘yun, ngayon sikat na sikat na. Nagpakilala muna ako kay Jhiz. Sabi ko ako si Maestro at mahaba ‘yung buhok ko. Hahahah! Oh ‘di ba?
Kulitin lang natin. Uhummn… ngayon, anong grade mo na? “Grade 1 po.” Oh, ano, mataas ba naman ang marka mo? Hah! At napatingin pa sa mommy bago sumagot. “Ah, noong hindi pa po ako nag-aartista, first honor po ako.” Ah, ang galing naman! “Nu’ng nag-artista na po ako, ano. Biglang… paano po hindi na po ako nakaka-ano eh.” Inilapit ang bibig niya sa tenga ko at may ibinulong.
Pero mag-aral ka rin ng mabuti, ha? Pero ‘yung totoo, nangongopya ka rin ba sa kaklase mo? Sabay iling ng hindi. ‘Yung totoo? Umiling ulit. Ah, sila ang nangongopya sa ‘yo? “Opo.” Bakit? “Ah, kasi baka mamaya, ‘pag nangopya ka, mali rin ‘yung makopya mo.”
Seryoso pa ang itsura ng bata at halatang listo at may talinong sumagot. Marunong ka na rin bang magka-crush? Umiling-iling lang, ibig sabihin wala? ‘Wag kang mahiya riyan kay mommy, akong bahala riyan. Kunwari ko lang iyon para ‘yung bata magsalita. Oh ano ‘yung totoo? Idinikit muli ang bibig niya sa tenga ko para may ibulong. “Crush ko si… Christine.” Hah! Maganda? “Opo.” Mga gaano kalaki na? Itinuro niya sa ‘kin iyong halos kasinglaki na babae.
Paglaki mo liligawan mo ba siya? “Hindi po.” Galing naman. Oh, sige, sinabi ko na kami na lang ang nakakaalam nu’n kasi baka naman humahanga lang ‘yung bata. At kahit daw may makita itong ka-love team ay hindi raw siya magseselos. Pero nami-milog ang mata, kitang nagba-blush.
Pagdating ng araw, ano ang pangarap mong maging? “Maging doctor.” Magpapagamot ako sa ‘yo ‘pag naging doktor ka, p’wedeng libre? “Puwede naman po, hehehe.. At saka gusto ko ring maging pulis.” Ah, pagkatapos mong mag-duty bilang pulis ay doktor ka naman. Bakit gusto mong maging pulis, dahil may baril? “Kasi po ‘di ba kapag unang-una mo pa lang du’n may pinapagawa sa ‘yo?” Ah, training, gusto mong mag-training? “Gusto ko lang po yung tulad ‘yung tumatakbo. Tapos ‘yung may baril din.” Pag may baril ka, mamamaril ka rin o manghuhuli ka lang? “Manghuhuli lang po. At saka ‘pag may babaril sa akin, babarilin ko na lang din.” Ah, babarilin mo na rin kasi baka maunahan ka? “Opo.”
Ilan kayong magkakapatid? “Dalawa lang po kami.” Malakas ka bang kumain? “Nu’ng tumaba po ako, nag-e-exercise din ako.”
Ayon sa kanya, ang daddy niya ay nagtatrabaho sa Makati. “Dun po siya nakaupo sa may computer, pang-apat po siya du’n sa nakaupo at may hawak siyang mga tao roon.”
Sa ngayon, mapapanood si Jhiz sa sportserye ng GMA-7 na Futbolilits bilang si Kulas Sonar. “Saka dati po ‘yung Dwarfina. Lumabas din po ako sa TIDE Commercial.” Masyadong ayos na ayos ‘yung buhok mo. Gusto mo laging nakasuklay buhok mo? “Opo.”
Sa hitsura kasi nu’ng bata, para kasi siyang senador o kaya mayor. Mahilig ka pa rin bang maglaro? “Opo. Saka paminsan-minsan, nagpapabili po ako ng laruan.”
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Maestro Orobia