IS BLOOD not necessarily thicker than water?
Indirectly, parang sinagot na rin ni Senator JV Ejercito ang tanong na ito na nakikiisa sa kanyang mga kabaro na magbitiw na sa puwesto ang kanyang kuyang si Jinggoy Estrada. Ang kapatid niya sa ama—as we all know—is one of the three solons involved in the pork barrel scam.
Sired by former President at ngayo’y Manila City Mayor Joseph Estrada, Jinggoy’s mom is former Senator Loi Ejercito, samantalang ang ina naman ni JV ay ang kasalukuyang alkalde ng San Juan na si Guia Gomez.
For some reason, may namamagitang sibling rivalry kina Jinggoy at JV as though through their veins ay walang nananalaytay na dugo ng kanilang ama.
Sa hanay ng mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan, lantaran ang ginawang pagsang-ayon ni JV what should await his peers involved in the country’s biggest and shameless scam in the bureaucracy kabilang ang kanyang kuya Jinggoy.
As a result, umani tuloy si JV ng mga papuri mula sa sambayanang Pilipino na nag-akalang sa kabila ng pagkakasangkot ng kanyang Kuya Jinggoy, pikit-mata niyang kukunsintihin ang umano’y pangwawalanghiya nito sa bayan, na minsan na ring kinaharap at ikinadetine niya.
Apparently, hindi apektado si JV kung may violent reaction man ang kanyang Kuya Jinggoy smilingly saying, “Lagi naman siyang galit sa akin.”
On his part, in fairness, hindi na pinatulan ni Jinggoy ang tinuran ng kapatid sa ama.
As if naman, whatever Jinggoy had to say ay makatutulong para mabura sa kamalayan ng bawat Pinoy ang ginawa niya kabilang ang dalawa pang kapalmuks!
Samantala, isa rin si Senator Grace Poe sa mga mambabatas who believe that her three colleagues deserve kung ano ang nararapat sa mga ito ayon sa batas.
The soft-spoken lady solon is the daughter of the late Fernando Poe Jr. na BFF ni Erap. By affinity, related sina Grace at Erap whose son Jinggoy ay nais ding papanagutin sa kinasasangkutan nitong kaso ng pandarambong.
Back to Erap, it’s ironic na siya ang Ama ng Lungsod ng Maynila which he has sworn to keep it peaceful and orderly, pero bilang ama ng dalawang anak na senador ay wala siyang magawa to unite them.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III