NOW IT can be told: ang nakapiit na si Senator Jinggoy Estrada ang nagkumpirmang tatakbo siya sa pagka-Bise Presidente sa 2016.
Of course, hindi ito musika sa tenga ng mga anti-pork barrel scammers. Ano pa raw at gusto pang manungkulan ni Jinggoy sa pamahalaan, samantalang sangkot nga siya sa kasong pandarambong?
Pero taliwas ang aming opinyon. Let Jinggoy run for VP. Una, karapatan naman niya ito like any qualified Filipino citizen. Ikalawa, his senatorial aroma is diminished, bumaho na nga ito kaya let him scatter fragrance sa mas mataas na puwesto.
As they say, kung may kaaway ka ay sa dalawang bagay mo lang siya ipagduldulan: casino at pulitika.
Let Jinggoy spend more than a fortune sa kanyang kampanya up to his last centavo, tingnan lang natin kung saang kangkungan siya pulutin.
Akala siguro ng binansagang “Sexy”, claiming his victory this early is a window for self-vindication. Sana lang, huwag pairalin ng karamihan sa atin ang pagkakaroon ng short memory, bagkus let the PDAF scam memoirs imitate well-preserved photos in our albums na laging magpapaalala sa atin ng pinakamalaking krimen ever committed against a nation.
Jinggoy bilang VP? Oo, as in Very Pathetic.
PAO Chief Acosta, humiling ng en banc decision sa SC sa criminal liability ng may-ari ng lumubog na barko
AS MUCH as possible, PAO Chief Persida Acosta would rather give the jailed lawmakers—Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada and Bong Revilla—the benefit more than the doubt in their involvement in the PDAF scam.
“Natitiyak ba naman na sa kanilang mga bulsa napunta ‘yung pork barrel? Malay natin, baka sa mga chief of staff nila, o kay Ms. Janet Napoles lang? Ang sa akin, ikulong ang talagang may sala at palayain ang inosente,” katuwiran ng feisty lawyer.
Acosta—who champions the cause of the poor—believes na kailangang patatagin ang sistema ng katarungan sa bansa, citing how the wheels of justice operate in Australia, kung saan maaaring kasuhan ang isang hukom kung ipawawalang-sala niya ang isang nasasakdal kung matibay naman ang ebidensiya laban dito.
A case in point—ayon sa kanya—ang six year-old case involving Sulpicio Lines, Inc.’s M/V Princess of the Stars. Ang naturang maritime tragedy that took place on June 21, 2008 claimed more than 800 lives. Ni-reverse kasi ng Court of Appeals ang RTC decision na criminally liable ang may-ari nitong si Edgar S. Go, which the Supreme Court upheld.
Ang hindi maunawaan ng PAO chief, kung bakit kasong sibil lang ang desisyong nanaig, kaya with their motion for reconsideration ay umaasa si Acosta na magkaroon ng en banc decision ang Kataas-taasang Hukuman.
Samantala, a mock survey among the members of the entertainment press was conducted sa kung ano ang kanilang mungkahi sa hepe ng PAO in the coming 2016 elections—who celebrated her birthday three days before the press meet—to run for senator or stay in her post.
This early daw kasi ay meron nang nanliligaw sa kanya para mapabilang sa senatorial slate. Acosta, however, declined to disclose kung ang partido ay mula sa administrasyon o oposisyon.
Personally, we want Acosta to stay as PAO Chief for as long as dumarami ang ating mga kapuspalad na mamamayan who cannot afford to hire legal services.
Sabi nga, those who have less in life should have more in law.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III