TOTOO KAYANG HINDI pa natapos ni Manny Pacquiao ang dubbing ng Wapakman? Dapat ay ipadadala na nila iyan sa CEB para mabigyan ng classification, pero hindi pa yata tapos na tapos.
Hindi na rin natuloy ang presscon nila dahil siyempre, iniiwasan na lang na pawang si Krista Ranillo ang pag-uusapan.
Ang latest pang narinig ko hindi na rin daw sasama si Krista sa parada nito bukas dahil nandu’n si Jinkee Pacquaio.
Kahit hindi kasali sa pelikula si Jinkee, type daw nitong sumama roon para tumulong sa pagpo-promote ng pelikula ng asawa niya.
Sabi nga ng karamihan, mas okay pa kung si Jinkee ang mag-promote nito dahil nega pa rin talaga si Krista.
Hindi nga makatutulong si Krista kahit kontrobersiyal siya ngayon. Hindi naman kasi pelikula ang pag-uusapan kundi ang sa kanila ni Manny.
Bongga nga siya, naging talk of the town itong Krista kahit wa siya talk!
IN FAIRNESS, MAGANDA ang feedback sa pelikulang Ang Panday ni Sen. Bong Revilla.
Nu’ng premiere night nito nu’ng nakaraang Linggo na ginanap sa SM North Edsa, dumagsa ang showbiz friends niya kahit hindi kasali sa pelikula.
Nandu’n ang bagong OMB chairman Ronnie Ricketts para personal na bantayan ang pelikula niya para hindi mapirata.
Sabi ni Ricketts, matagal na raw nilang inaayos na hindi mapipirata ang mga entry ng MMFF ngayong taon.
Nakiayon naman dito ang mga pirata, in fairness, kaya wala nga raw kakalat na pirated DVD nito habang nagsu-showing ang mga entry ng filmfest.
Ewan ko lang pagkatapos ng filmfest kung makontrol pa ;yan ng OMB, dahil tiyak na kakalat na naman iyan.
Samantala, namataan pala roon sina Direk Mac Alejandre at Rico Gutierrez na parehong direktor ng pelikula.
Si Direk Mac sa kabuuan ng pelikula at si Direk Rico naman sa special effects na talagang ‘yun ang nagdala ng pelikula.
Nagkaroon nga raw ng gap ang dalawang direktor at dedmahan nga sila roon sa premiere night, pero kung tatanungin mo naman sila, okay raw at hindi naman daw nagkaroon ng problema.
Sabi naman ni Bong, hindi maaalis ang ganu’ng problema dahil iisa lang naman ang pakay nila na lalong mapaganda ang pelikula nila.
Sa ganda ng feedback sa pelikula, malamang na ito ang mangunguna sa box-office.
Abangan na lang natin na magsisimula na bukas na kung saan bubuksan ng isang makulay na parada.
Iyan ang isa sa inaabangan ng mga tao tuwing Pasko.
Maligayang Pasko po sa inyong lahat!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis