Nag-umpisa bilang childstar si Jeriko Alumbres Manio o mas kilala sa pangalang Jiro Manio. Marami ang bumilib sa kanya ng gampanan niya ang lead title role sa pelikulang “Magnifico.” Umani ng papuri ang nasabing pelikula hindi lang sa bansa kundi maging sa abroad.
Kinilala ang pagganap ni Jiro at nasungkit niya ang Best Child Performer sa Gawad Urian at Filipino Academy of Movie Arts and Science para sa nasabing pelikula. Aba, pinaluha niya kasi tayo ng sobra-sobra sa kanyang nakakabilib na performance!
Sa pagbibinata ni Jiro, hindi kumupas ang kahusayan niya. Isa nga siya sa mga paborito ng ilang indie film prodyusers at ilan sa mga ginawa nia niya ay ang Tambolista, Foster Child, Tirador at Ang Lihim ni Antonio. Kering-keri rin n’ya ang pagganap bilang isang blooming gay teen sa pelikulang Manay Po at Manay Po 2.
Pero sa pagkadismya ng madla, pinatay na ang kanyang karakter sa Tayong Dalawa at nagpalabas na rin ng official statement ang Star Magic na nagsasabing hindi na nila talent ang binata. Kasi naman, may tsikang hindi umano nito sinisipot ang mga tapings niya dahil daw sa pagkahumaling nito sa lovelife niya?! Ilang beses na raw binigyan ng pagkakataon itong si Jiro para ayusin ang mga kompromiso niya pero laging hindi natutupad ang mga pangako nito.
Hay Jiro! Bakit ka nagtatago sa mga parazzi fotogs?! Nahihiya ka ba?! Well, kung wala ka namang kasalanan, bakit ka mahihiya ‘no?!
Guesswhodoes
by Mica Rodriguez
Click to enlarge.