BUKOD TANGGING si Ricky Lo lang yata ang nakapagbigay ng tamang opinion sa pagtulong na dapat ibigay kay Jiro Manio na hindi yata gustong magpatulong para gumaling kung anuman ang pinagdaraanan nito.
Tama lang na mag-react ang mga taong naging kasama ni Jiro noong active pa siya sa showbiz nang mabalitaan at makita itong palabuy-laboy na parang wala raw yata sa katinuan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport para tulungan. Natural na maaawa ang mga naging kasama nito sa showbiz sa nakitang kalagayan ngayon ng batang actor.
Pero tama lang ang naging pahayag ni Ricky Lo sa Startalk last Saturday na dapat ding willing ang isang tao na magbago. Ano nga naman ang silbi ng mga dagsang tulong sa tao na ayaw namang magbago?
Kung hindi kami nagkakamali, ipinasok na siya sa rehab noon at pagkatapos yata ng anim na buwan or more than ay nakalabas at muling gumawa ng pelikula. Tapos na mabigyan ng pagkakataon sa showbiz, bigla na namang nawala, at ‘eto nga, tumambad sa balita at telebisyon na nakitang palabuy-laboy sa airport terminal.
Kung ang isang tao ay ayaw magbago ay walang silbi ang mga tulong na ibibigay sa iyo. Tama at talagang nakakaawa si Jiro, pero dapat ding isipin na marami riyan ang mga gustong magbago or may bisyo na gusto nang itigil pero walang gustong tumulong.
Sana, bago maging huli, magising na sa katotohanan si Jiro na panahon na para ayusin nito ang kanyang buhay, lalo’t dagsa ngayon ang gustong tumulong sa kanya, ‘di ba?
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo