MAGSASAMA SA isang romantic-comedy movie sina JM de Guzman at Jennylyn Mercado.
Ito ay sa Walang Forever, mula sa screenplay ni Antoinette Jadaone at sa direksiyon naman ni Dan Villegas. Ang writer-director tandem na ito – na magkasintahan rin sa totoong buhay – ang nasa likod ng blockbuster na English Only Please na humataw sa box-office noong Metro Manila Film Festival last year (2014).
Unang lumutang na magkakaroon nga ng English Only Please Part 2 ngayong MMFF 2015, pero iba na ang leading man ni Jennylyn, at hindi na si Derek Ramsay. Ito umano ang naipasa ng producer sa MMFF 2015 na na-post sa social media at na-pick up ng ilang press.
Pero ang latest info ng aming source, magkaiba raw ang Walang Forever sa EOP Part 2. Ang JM-Jennylyn movie ay may final title na ngang Walang Forever at ito ang nakatakda nating abangan kung lulusot sa MMFF 2015 magic 8.
We have a feeling na papasok ito, since “mabango” sa box-office ang names ng dalawa – si JM with the big success of That Thing Called Tadhana nitong February sa commercial release nito, at si Jen, na nag-win pa ng Best Actress for EOP sa MMFF 2014.
Sa comments ng netizens, pabor sila sa fresh tandem ng JM-Jennylyn, bagay na pareho ring mahusay na mga artista. May nag-comment pang tila may chemistry ang dalawa dahil nagkasama sila sa issang live mini-concert/ show a few years back.
As for Jennylyn, tuloy pa rin ang film niyang Pre-Nup with Sam Milby na kukunan sa USA. Pero baka bandang early July na sila makalipad sa dami ng commitments nila ni Sam dito, pati ng direktor nilang si Jun Lana naman.
For JM, gagawin rin nito ang 100 Tula Para Kay Stella na unang movie niya with real-life GF namang si Jessy Mendiola, written and directed by Jason Paul Laxamana.
Pero for MMFF 2015, abangan muna ang pagsasama ng leading man ng Tadhana… who meets the leading lady of English… na parehong hindi produced ng giant film outfits pero pumatok sa publiko!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro