JM De Guzman at LJ Reyes, pinatunayan ang pagiging professional actors

ISA ANG Intoy Syokoy ng Kalye Marino sa entries under the New Breed Section sa 2012 Cinemalaya Independent Film Festival. The movie is based on the 2001 Palanca Grand Prize-winning short story of Eros Atalia.

Ito ay kuwento ni Intoy (JM de Guzman) na mula sa kanyang pagkabata ay may pagtingin sa kaibigang si Doray (LJ Reyes) sa Kalye Marino, Cavite City, ang dating American Naval Base sa Sangley Point. Naging magtatahong si Intoy sa Kalye Marino habang si Doray naman ay naging prostitute na pumapayag sa usapang “palit-isda” sa mga mangingisdang kapareho niyang isang kahig, isang tuka ang pamumuhay. Natutong magpundar ng sariling tahungan si Intoy para maangkin si Doray, hindi lang sa isang gabi kundi panghabambuhay. Magkaroon kaya ng katuparan ang simpleng pangarap na ito ni Intoy?

I am one of the producers of Intoy Syokoy ng Kalye Marino together with Boy So and Robert Bernardo. Nang unang ibigay sa akin ang script, kaagad ko itong nagustuhan. It is a love story without the kilig and romantic nuances na karaniwang napapanood sa mga ganitong uri ng kuwento. Mahirap pero masaya ang mag-produce ng isang pelikula and I learn new things and am able to give back to this industry na naging mabuti sa akin. Ang tangi ko lang hiling noong tanggapin ko ang pagpo-produce nito ay sana pawang mga magagaling at premyadong artista ang bumuo ng cast. At hindi naman kami nabigo. Lahat sila propesyunal.

JM and LJ had a love scene in the movie. Kuwento nga nila, kinunan ang eksena ng isang take lang. “Sobrang professional ni LJ. Give and take kami kaya naging madali ang trabaho,” sabi ni JM. LJ is all praises of her leading man. Generous daw sa emotions si JM at masarap kaeksena. “You’ll feel the sincerity with his portrayals.”

Hindi maiaalis na may mga expectations silang dalawa sa pelikula. Sabi ni JM, “I am proud of the film. Proud ako na kasama ako sa movie dahil marami akong natutunan as a person and as an actor. Kung pampersonal na expectation, wala na, pero sa movie, sana maraming makuhang awards.” Dagdag ni LJ, “Sana malayo ang marating ng movie at makarating sa mga international film festivals. Sa experience, wala na akong mahihiling pa.”

Intoy Syokoy ng Kalye Marino also stars Joross Gamboa, Arnold Reyes, Kristoffer King, Kenneth Salva, Roy Alvarez, Richard Quan, Angelie Bayani, Angela Ruiz, Justin de Leon, Ricky Pascua, Redgie Jimenez, and Jacob Miller.

Ito ay sa direksyon ni Lem Lorca mula sa script ni Jerry Gracio. May screenings ito sa iba’t ibang venue sa CCP, sa Greenbelt 3 Cinemas 3 at 5, at sa Trinoma hanggang July 29.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleNoranians, nanggagalaiti sa galit!
Next articleSharon Cuneta, nag-aaksya lang ng oras sa pagpatol sa mga naninirang blogger

No posts to display