JM De Guzman, ayaw nang balikan ang madilim na nakaraan

JM-de-GuzmanNAKAUSAP NAMIN si JM De Guzman sa presscon ng Cinema One Originals Film Festival at nakita naming masaya at maaliwalas ang hitsura ng aktor. Tingin namin ay mas lalong gumuwapo ito. Nakikita naming bumalik na muli ang sigla niya lalo’t balik-TV na siya sa Hawak-Kamay ng ABS-CBN at sa That Thing Called Tadhana kung saan kapareha niya si Angelica Panganiban.

“‘Yun nga po, nagpapasalamat ako sa ABS-CBN at binigyan nila ako ng trabaho. Nu’ng una ngang sinabi nila sa akin na makakasama ako sa Hawak-Kamay, medyo nagulat na tuwang-tuwa ako. Kasi po idol ko si Piolo Pascual. Na-starstruck ako nu’ng makita ko siya the first time at makatrabaho at matagal bago nawala ‘yung ganu’ng feeling. Hangang-hanga kasi talaga ako sa kanya, sa trabaho at sa personal niyang buhay,” kuwento ni JM.

Muli ngang naramdaman si JM nu’ng bumalik na siya sa telebisyon pagkatapos ng kanyang “madilim” na pinagdaanan na ayon sa kanya ay gusto na niyang kalimutan.

Busy po ako sa gym, nagba-boxing po ako, at wrestling. Sporty po ako ngayon at maganda ‘yun dahil medyo lumaki po ako, eh. Now, medyo lumiit na po ako.

“Nag-iingat na rin po ako ngayon. Ang focus ko po ay trabaho at ang aking sarili. Mas maraming quality time sa sarili, ” sabi pa ni JM.

Ano naman ang plano sa kanya ng ABS CBN? “Narinig ko po na sana matuloy… may niluluto pong bagong project sa TV. Pinag-uusapan na po.”

Umaasa ba siya ng award sa C1 Originals Film Festival? “Wow! Ibang apoy po ‘yun na magliliyab! Inspirasyon po ‘yun.”

Samantala, ayon sa Cinema One Originals Channel Head na si Ronald Arguelles, “Talagang bigger, bolder, at better ang festival ngayon”.

Sa line-up na lang ng mga pelikulang ipalalabas simula sa November 9-18, tiyak na ang tagumpay ng ika-10 taon ng Cinema One Originals.

NGAYONG BIYERNES, November 7 na, magaganap ang “Handumanan: Pasasalamat Sa Mga Bayani Ng Haiyan” sa Quezon City Memorial Circle. Tribute ang ibig sabihin ng “Handumanan” at isang  free concert nga para gunitain at magpasalamat sa unang anibersaryo ng thyphoon Yolanda na nangyari last year. Pararangalan ang mga bayaning tumulong  sa Tacloban, Leyte at sa mga karatig na bayan nang wasakin ito ng thyphoon Haiyan ( Yolanda).

Dinagsa tayo ng tulong mula sa iba’t ibang bansa, mula sa kung sinu-sinong tao (kahit na hindi nakarating ang ilang tulong na naibigay para sa ating mga kababayang biktima ng Haiyan, ang iba nga’y napanis/nasira pa, kahit ang ilang cash donations ay nawawala na). Kaya naisip ng dating aktor na isa na ngayong producer/director na si Carlo Maceda na taga-Leyte mismo at ang kanyang kaibigang dating administrator-advocate ng Tacloban City na si Atty. Tecson Lim na bigyan naman ng pansin at parangal ang mga taong tumulong sa lahat ng paraan sa nangyaring trahedya.

“The disaster brought so many volunteers from among our people at mga tao mula  sa iba’t ibang bansa . Ipinakita nila ang kanilang pagmamahal at suporta sa ating mga Pilipino. This time, we want to demonstrate our people’s appreciation  and gratitute with this event.” sabi ni Carlo.

Kasama sa mga pararangalan ang mag-inang Karla Estrada at teen idol Daniel Padilla na walang sawa sa ginawang pagtulong sa mga Leyteño.

“Sobrang busy ni Daniel pero pumunta siya sa Tacloban at tumulong. Kasama rin sina Anderson Cooper of CNN sa mga recipients ng Handumanan award. Kasamang pumili ng mga awardees ang mga NGO’s, media, people of Tacloban, nurses at marami pang iba. Magpi-perform naman ang mga kapwa Leyteño na sina Kitchie Nadal, South Boarder, Rocksteady at marami pang iba,” dagdag pa ni Carlo Maceda.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleGeoff Eigenmann, nasagad na sa pangmamaliit ni Carla Abellana?
Next articleKC Concepcion at Paulo Avelino, muling magsasama

No posts to display