TIYAK NA makababawi si JM de Guzman sa Pedro Calungsod, Batang Martir na napiling isa sa 8 official entries ng MMFF 2013.
Kailangang-kailangan ni JM ang proyektong ganito lalo na’t puro negatibo ang mga ikinakabit sa kanya ngayon. Kesyo lulong daw sa droga, magdamagang inuman kasama ang mga kaibigan kaya nabibitin daw ang taping, at nagpapa-booking na rin daw sa mga beklat. Super duper pangit nga naman ng mga isyu sa kanya, huh!
In a weeks time, uumpisahan na ang shooting ng pelikula na kukunan sa Laguna, Bohol at Cebu. Nagpapahaba pa ng buhok ang aktor since kalbong -kalbo ang hitsura nito ngayon.
Positibo naman ang direktor na si Francis Villacorta na perfect si JM sa role bilang “batang santo” dahil bukod sa mahusay umarte ay ‘andu’n pa rin daw ang kainosentehan sa looks nito.
Totoo pa rin ang kasabihang “you cannot put a good man down” like in the case of JM na magaling namang aktor.
Tsuk!
MULING HUMARAP sa press ang kontrobersyal na si Krista Miller na bagong cover girl ng RED magazine. Buong tapang na sinagot ng Fil-Aussie ang mga bagong isyu sa buhay niya. Una na rito ay ang hindi matapos-tapos na intriga sa kanila ni Cesar Montano. Diumano, nakita silang magkasama sa Podium na sweet na sweet.
“Hahaha!” tawang reaksyon ni Krista sa isyu. “Natawa ako kasi baka naman hindi ako ‘yun. Baka kamukha ko lang siya. Hahaha!
“Sa totoo lang, I’ve never been to Podium, ever! At kasama ko pa raw si Direk? Eh, sa totoo lang po, matagal ko na siyang hindi nakikita. I mean, pagkatapos nu’ng movie namin, wala na pong communication at all. Actually, kahit i-check n’yo ang fone ko, wala siyang number sa akin,” depensang sagot pa rin ng seksing dalaga.
Sa tingin ba niya ay nakatulong ang pagkaka-link niya kay Cesar at pinag-uusapan siya ngayon?
“Actually, matagal ko na pong iniyakan iyan. So, I think matatapos na. Pero may mga intrigero pa ring gumagawa ng tsismis, eh. Nag-move on na po ako. Kinalimutan ko na ‘yung nangyari. ‘Yung sa past na hindi talaga maganda. On the positive side naman, tingin ko eh, nakatulong kasi nga baguhan pa lang ako, pinag-usapan na. Biglang sikat agad! Hahaha! Eto nga, dahil diyan kinuha akong cover ng magazine.
“Kaya lang, hindi nga maganda kasi nag-i-start pa lang ako, nega na ang image ko. Kaya nga nagtatrabaho ako, ginagawa ko lahat. Umaarte ako, sumasayaw, nagda-dance and even modelling. Gusto ko namang patunayan na may talent naman ako at hindi ‘yung mga ganyan na mag-iingay ako para sumikat,” emote pa ng dalaga.
Posible bang magkagusto siya sa isang gaya ni Cesar na may asawa na?
“Hindi ko masabi, eh. Ako kasi ‘pag mabait ang guy sa akin, siyempre nakaka-dagdag points ‘yun sa lalaki. So, du’n. Pero siyempre kung alam ko namang may sabit na, friends lang siguro,” sagot nito.
Anong masasabi niya na super-trying hard si Cesar upang magkabalikan sila ni Sunshine Cruz?
“’Yun din ang wish ko. Sana, maayos. Ako naman kasi, siyempre po mas maganda ‘yung magkaayos silang dalawa. Ayun po.”
‘Yun na!
NAG-TRENDING AGAD ang Huwag Ka Lang Mawawala, ang bagong teleserye ng Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos. Bongga ang pilot episode nito na hinding-hindi mo bibitawan. Mabilis ang mga eksena at kaagad na masusundan ang istorya.
Tatak-Juday pa rin na api-apihan pero revelation si Sam Milby na perfect sa role niya. Tiyak na makababawi si Samuel dito since off-beat ang role niya na first time niyang ginawa.
May chemistry ang dalawa na hindi sinang-ayunan ng marami noon. Si Juday lang ang nakipaglaban kay Sam kaya natuloy ang proyekto. Well, vindicated si Sam dahil bagay sa kanya ang role at pinag-aralan niya. Na-challenge siguro si Sam dahil si Juday ang kasama niya.
Anyway, aabangang lalo ang HKLM dahil sa pagpasok ng karakter ni KC Concepcion na kontrabida sa serye.
Exciting ‘yun!
‘Yun na!
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer