Real Name: Juan Miguel de Guzman
Birth Date: September 9, 1988
Zodiac Sign: Virgo
Symbol: The Virgin
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Earth
Basic Trait: I Analyze
Closest Metal: Quicksilver
Lucky Day: Wednesday
CHAREE PINEDA
Real Name:Crissha Charee Pineda
Birth Date: September 27, 1990
Zodiac Sign: Libra
Symbol: The Balance
Ruling Planet: Venus
Quality: Cardinal
Element: Air
Basic Trait: I Balance
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday
MATAGAL NA sa showbiz sina JM de Guzman at Charee Pineda, pero kamakailan lamang sila binigyan ng isang malaking proyekto ng ABS-CBN. Nagsimula ang kanilang tambalan sa Precious Hearts Romances Alyna. Doon pa lang ay nagkaroon na ng fanbase ang dalawa. Lalong tumutok ang madla sa Mula Sa Puso noong nakaraang taon nang pumasok ang karakter ni Charee sa palabas at marami nga ang nagsasabing mas may chemistry sila ni JM over Lauren Young. Ganu’n?!
Hari at Reyna ngayon ng Kapamilya Gold sina JM at Charee dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Angelito: Batang Ama. Alam n’yo ba na award-winning movie artists din ang dalawa? Nasungkit ni Charee Pineda ang Best Actress award sa Cinema One Originals 2009 para sa pelikulang Alon, samantalang nagawaran naman ng Best New Wave Actor si JM De Guzman sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Pintakasi.
O, hindi lang pala pagpapakyut ang kayang gawin ng bagong pambato ng Dos, huh? Sa love department kaya eh, maka-grandslam ang JuaMees? Let’s see the look!
Diretsahan na: Hindi magiging madali ang pagsasama ng Virgo at Libra. Magkaiba kasi sila ng pananaw sa ilang aspeto ng buhay. Mahilig ang Libra na makipag-usap sa tao at gusto niyang makipagpalitan ng kuru-kuro sa mga taong nakakasalamuha niya. Ang Virgo naman ay mas gustong mag-isa o limitado lang ang tao sa paligid niya. Hindi rin niya madaling tanggapin ang mga kritisismo.
Sa aspetong ito pa lang ay magkakaproblema na sila. Magkakaroon ng pagkakataon na iisipin ng Libra na makitid ang utak ni Virgo. Sa kabilang banda naman ay iisipin ng Virgo na masyadong open at maingay ang Libra. Pero tulad ng iba pang bagay, madali namang pag-usapan ‘yan. Kung gagawin nilang balanced ang differences nilang dalawa, hindi magiging kataka-taka na magiging ok sila sa huli. Madalas ay Libra ang mas willing mag-adjust sa ganitong scenario.
Ang lalaking Virgo ay naniniwala sa ‘Head over Heart’, na kasalungat sa paniniwala ng Libra. May pagka-worrier din ang Libra samantalang praktikal mag-isip ang Virgo. Todo-todong effort in terms of understanding talaga ang kailangan ng dalawa.
Base sa mga interviews, mukhang magkasundo naman sina JM at Charee bilang magkaibigan. Para lumevel-up sa magka-ibigan level, kelangan ng matinding workshop. Parang acting career lang ‘yan eh – kapag lalo kang kumayod at your best, mananalo ka rin ng love life! PWEDE!
Pares-Pares
By Madam Damin