DINEPENSAHAN NI Atty. Joji Alonso, producer ng Quantum Films, si JM de Guzman na leading man ni Jennylyn Mercado sa pelikulang Walang Forever tungkol sa isyu ng diumano’y pagiging unprofessional nito.
Ang Walang Forever ay entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival sa December 2015.
Ayon sa lady producer, ‘di nagbibigay ng problema sa syuting ng Walang Forever ang aktor. Hindi rin raw totoo ang balita na hindi na matutuloy ang pelikula.
“Naku, tuloy na tuloy kami,” pahayag agad ni Atty. Joji.
Idinagdag din ng lawyer-producer na, “JM has been so excited about the project like no other. ‘Yung draft nga ng teaser, ipinapakita niya sa lahat.”
Marami na rin palang nagawang pelikula si JM sa Quantum Films at walang natatandaan ang lady producer na nagkaroon sila ng problema sa actor.
“Pang-4th film na namin ito na magkasama. We started with Septic (with Eugene Domingo), The Strangers then Tandem which is making waves abroad and now Walang Forever naman. Excited much!” sambit pa niya.
“Sa Tandem, okey na okey rin siya. No complaints. Napaka-professional niya all the way!” sambit pa niya.
La Boka
by Leo Bukas