SA WEDNESDAY na ang palabas ng first movie na pagsasamahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang Must Be… Love ng Star Cinema.
Sa Miyerkules, patutunayan ng dalawa kung gaano sila kalakas sa kani-lang mga fans na susuporta sa kanila sa takilya ngayon pa na mahal na ang magpalamig sa loob ng sinehan na sa mga regular movies, ang tiket ay P180 plus na, ang kakainin mo pa na baon sa loob na popcorn at soda… aabutin ng P250 ang bawat isa sa gagastusin bukod pa siyempre ang meals before and after the movie.
Tila maganda ang feedback ng moviegoers sa pelikula ng dalawa. Sa mga Twitter at Facebook messages ng followers nila, nag-promise na susuportahan sila ng mga fans nila.
Loveable naman kasi ang loveteam nilang dalawa and hopefully, maging loveable din ang resulta sa box-office ng pelikula nila.
Sa April 26, 18th birthday ni Daniel at bilang regalo sa sarili, bumili ng bagong sports car na kulay black ang binatilyo para sa sarili. Kung sa bagay, he works hard and he deserves it naman, ‘di ba?
On the romantic side, tilad aprub na rin sa Mommy ni Kathryn si Daniel. Sa katunayan, magkaibigan at magkaututang-dila ang Mommy ng dalagita at ang ina ng binata na si Karla Estrada.
At least, walang pro-problemahin si Daniel sa kanyang “future mother-in-law”.
TALKED TO JM De Guzman at the launching of his 2nd album na “Tensionado” from Ivory Records.
After sa biglaan niyang pagkawala sa eksena dahil sabi’y sa last taping day ng teleserye niyang Angelito sa Kapamilya Network, biglang nanahimik ang karir ng young actor.
Kung anu-anong kuwento kasi ang naglabasan about him na hindi man lang siya nakausap ng media para idepensa niya ang sarili.
Naririyan ang tsismis na isa raw siyang addict. In short nagdo-droga. Pero hayagan niyang pahayag, “Hindi. Hayaan mo silang magsabi nang hindi maganda sa akin. Bahala na sila. I love them,” na ang pinatutukuyan ay ang mga naninira sa kanya.
Na-depress siya dahil hindi sila nagkatuluyan ng supoposed to be ay malapit na sana niya maging girlfriend na si Jessy Mendiola na ngayon ay nali-link sa kapareha nitong si Matteo Guidicelli.
“I wish her happines.” Short. Straight forward lang ang sagot ni JM sa mga intrigera.
Para siyang “tensionado” tulad ng mensahe sa kanyang bagong single. Alam namin, hindi relax si JM noong humarap siya sa press pero naiintindihan ko.
Kabado kasi na for the first time ay haharap siya sa mga katanungan na minsan, aminin man niya o hindi ay nakaapekto sa kanyang career na naging dahilan ng biglaan niyang pagkawala at pagkawala ng ningning sa showbiz.
Sino nga ba ang hindi nagkakamali. Hopefully, malaki ang aral na natutunan ni JM sa mga sunud-sunod na dagok sa kanya. Sana makabawi siya sa muling pagbabalik niya.
We want him back sa showbiz to be as active as before. Isa siya sa magaling na aktor na dapat bigyan muli ng pagkaka-taon. Kung minsan man ay nagkamali. Magaling din siyang singer, I like his version of Akin Ka Na Lang na nakapaloob sa kanyang music CD na original ng grupong Itchy Worms.
Sana, sa pagbabalik niya, keri na niya ang lahat ng pagsubok.
Mensahe niya sa mga tao na nagda-down sa kanya (which we heard na may demolition campaign against him na sabi ay kasamahan din niya): “I love you!” na ang gustong mensaheng itawid ni JM ay pinapatawad niya ang mga ito.
GUWAPING ANG anak ni Sen. Jinggoy Estrada na si Julian Estrada na isa sa pinakabagong talent ng Star Magic Batch 2013.
Hilig ni Julian ang showbiz na kahit ayaw ng ama, may deal silang dalawa na dapat pag-igihin nito ang kanyang pag-aaral sa OB Montessori, na magkaroon siya ng magandang grades para payagan siyag mag-artista.
Dahil guwapo, biruan ng mga taga-showbiz na nakilala si Julian, “Mabuti na lang at mana sa ina…” ‘Yun na!
Si Julian, ipina-kilala sa pelikulang Katas ng Saudi kung saan nakasama niya ang ama sa pelikula. Ngayon pa lang, he hopes to succeed in doing “bad boy roles” in the new future sa projects niya and want to work with John Lloyd Cruz and Ann Curtis someday.
Reyted K
By RK VillaCorta