AMINADO ang magaling na aktor na si JM de Guzman, isa sa bida ng Pamilya Ko, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kamalayan ng tao ang stigma ng pagiging “adik” niya noon.
“Ngayon po kasi, pagka po wala akong teleseye, kaya ko yan. Pero pagka meron po kasing teleserye, binubuksan ko ‘to, (sabay turo sa kanyang dibdib), eh. Medyo vulnerable po ako so pagka medyo nakakarinig po ako ng… medyo sensitive po ako,” pagtatapat niya sa amin.
Patuloy ng aktor, “Minsan nararamdaman ko pa rin na… Alam mo yung tahi na (yung sugat) pero pag hinawakan mo parang medyo sensitive pa rin dahil don sa sugat niya.”
Hindi rin niya itinanggi na may mga pagkakataon na muntik na siyang mapaaway dahil sa panghuhusga sa kanyang pinagdaanan.
“Opo. Actually, minsan po nakakarinig ako ng pambabastos harap-harapan like pag may magpapa-picture sa akin, sasabihin, ‘Ba’t ka magpapa-picture diya, eh, adik yan!’” emosyonal niyang pahayag.
“Nagpa-flashback, eh, lahat ng nilaban ko, lahat ng pinagdaanan ko. Three years of rehabilitation, yung state of mind ko don na… hindi nila maintindihan, something hard to explain,” sambit pa ng aktor.
Napapanood ang Pamilya Ko sa ABS-CBN bago ang TV Patrol.
La Boka
by Leo Bukas