GUWAPO NI JM Guzman. Ang killer smile niya na tipong inosente ang dating, diyan nabighani ang isang sikat at kilalang aktres. Yes, ang tsismis kasi, itong si JM minsan na rin daw natikman ng isang kilalang aktres (super galing niyang umarte) na dahil nagkasalubong ang dalawa sa CR (palabas yata ang aktres at si JM ay papasok habang hawak ang door knob), tinanong ni aktres ang binata, “Hello… your cute, wanna come inside (sa maliit na restroom),” and the rest is history. Medyo tipsy diumano si JM na ang killer smile niya at pagka-inosente ang dating ang nagtulak kay aktres na gumawa ng kababalaghan sa isang showbiz party last Christmas season.
Kung sa bagay, kung totoo man ito, no harm para kay JM. Lalaki siya. Walang mawawala sa kanya. Mas nakadaragdag pa nga ito sa machismo ng aktor. Sino ba naman ang tatanggi sa alok na may kasamang alindog ni aktres na kasama sa listahan ng mga hot mama in showbiz?
After ng kanyang pamamahinga for a while from showbiz, sa pagbabalik ni, JM nakalimutan na niya si Jessy Mendiola at naka-move-on na.
ANG MGA showbiz people, heto’t daming opinion sa isyung hindi pagsalubog ni PNoy sa Fallen 44 nang dumating ang mga labi nito sa Villamor Airbase. Mas pinili ni PNoy kasi na dumalo sa isang event ng pagbubukas ng isang planta ng kotse kaysa salubungin ang mga bangkay ng kanyang mga sundalo.
Ang sambayanan, ngitngit sa galit. Ang showbiz, may kanya-kanyang opinion. Si Jomari Yllana, sa kanyang Facebook account, siya yata ang may pinakamaanghang na statement laban kay PNoy. Si Judy Ann Santos na nag-post ng picture na swabe lang naman ang opinion, naging dahilan ng pag-unfollow ni Kris Aquino sa kanya. Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, may sarili ring opinion na naging rason para i-unfollow at i-follow muli ni Kris Aquino.
For the first time ko nasaksihan sa kanyang IG account si Kris na sinagot na ang mga akusasyon sa kanyang kapatid at sa kanilang pamilya.
Ang tanong ko lang, after this Fallen 44 issue, ang oust PNoy movement ngayon, ano ang pagbabago na magaganap sa Pilipinas? Meron ba?
Sa panahon ng ligalig sa pamunuan ni PNoy, ang mga buwitre, nag-aabang at naghahanap lang ng timing kung papaano papasok sa eksena para gamitin ang sitwasyon para sila naman ang mapansin.
Tandaan natin, malapit na ang eleksyon sa May 2016. Marami na ang nagpaparamdam. Si Binay ba may karapatan ba? Si Mar Roxas, waley na waley na. Walang nagawa si Korina kundi tumahimik.
Sa ngayon, ang sambayanan, naghihintay ng susunod na kabanata. Sa ngayon, parang wala akong mapili. After the Fallen 44, ano pa kaya ang mga kasunod na dagok kay PNoy at sa kanyang pamahalaan?
Kung wala talagang mapili, siguro kung sino na lang ang lesser evil at lesser ang personal na motibo na gustong maglingkod sa bayan.
Reyted K
By RK VillaCorta