Jo Koy magbibida sa Filipino-American sitcom na ‘Josep’

ISANG Filipino-American sitcom ang nakatakdang ipalabas sa ABC. Ito ay ang ‘Josep’ na pagbibidahan ng Hollywood comedian na si Jo Koy na nakilala dahil sa mga stand-up comedy acts na ito kung saan ibinabahagi niya ang ‘Filipino way’ ng pagpapalaki sa kanya ng kanyang single mother habang lumalaki ito sa Amerika.

JO KOY

Ang 30-minute sitcom na Josep ay tungkol sa isang Filipino-American nurse na si Josep, na sinusubukang i-explore ang dating at fatherhood na magkakaroon ng komplikasyon nang manirahan ang kanyang Pinay mother sa kanyang bahay. Riot ito!

“So excited to show you all what we’re working on over at @ABCNetwork” tweet ni Jo Koy patungkol sa kanyang upcoming show na isa rin siya sa mga executive producers.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang kauna-unahang sitcom sa Hollywood na may dugong Pinoy ang bida. Maganda rin na finally ay may representation na ang Filipino-American upbringing sa mainstream TV. Sana lang ay hindi lang ito ang ipakita ng programa. Mas maganda na maipakita na ang Pinoy family ay more than just the caricature na madalas na ipakita ni Jo Koy sa kanyang comedy skits.

Ang tanong: Ang ‘Josep’ ba ang proyektong pinanghihinayangan ni Sharon Cuneta? Parang napakabata naman niya para maging nanay ni Jo Koy (unless sa flashback ito ipapakita). Mas maganda siguro kung isang pelikula ang kanilang pagsasamahan, ‘diba? What about a film on the challenges faced by Pinoy immigrants in the US? Gamay naman na ni Megastar ito dahil nagbida na rin ito sa ‘Caregiver’ more than a decade ago na sa United Kingdom naman ang setting.

Sa mga hindi pa pamilyar kay Jo Koy, maaari ninyong mapanood ang kanyang tatlong Netflix specials tulad ng Jo Koy: Live from Seattle, Jo Koy: Comin’ in Hot at Jo Koy: In His Elements.

Previous articleVLOG WATCH: What’s Inside Kathryn Bernardo’s Work Bag?
Next articleKPOP Album Review: Walpurgis Night by GFriend

No posts to display