SA darating na Friday, April 7, na ang grand finals ng Mister Philippines 2017 na gaganapin sa Systems Plus College Foundation (SPCF) Gymnasium sa Angeles City, Pampanga. Ang naturang male pageant ay iho-host nina Andrew Wolff at Gab Alfonzo.
Out of 24 official candidates, apat ang magiging title-holder na bibigyan ng parangal as Mr. Universe, Mr. Globe, Mr. Global, at Mr. Grand International. Sa Pilipinas gagawin ang Mr. Grand International competition.
Mukhang magiging press favorite itong taga-Los Baños, Laguna na si Jo-shua Banatin na isang 4th year Marketing student at kapapanalo lang bilang Ginoong Laguna. Very articulate magsalita si Jo-shua, maganda ang tindig, at artistahin ang hitsura. Super fave nga siya ng kaibigang Leo Bukas, na for sure magiging contract artist niya.
Photogenic si Jo-shua na puwedeng-puwedeng mag-showbiz ‘pag nagkataon.
Halos lahat sila, mga smart at marunong sumagot at may mga itsura. ‘Yong iba, medyo kinabog during the Question and Answer portion with the media and the bloggers, pero may mga laban at hindi sila pahuhuli sa mga title na kanilang ini-aim.
Kabilang sa 24 “bachelors” ng Mister Philippines 2017 sina Mark Ian Camilet (Magalang, Pampanga), Rich Kerby Reyes (Gen. Mariano Alvarez, Cavite), Aljun Cayawan (Agusan del Sur), Patrick Ian Cruz (Batangas), Eris Jan Godoy (Cabanatuan), Richard Flores (Candelaria, Quezon), Virgilio Llego (Cebu), Ohmerkheyamn Ampang (Cotabato), Ibahin Daryle Francisco (Filipino community of Dubai), David Joshua Soledad (Florida Blanca, Pampanga), Mark Jerick Banguig (Cagayan), Justine Ysrael Pena (Rizal), Zyrus Mores (San Pablo, Laguna), Gerald Montero (Ilocos Sur), Marjay dela Cruz (Mabalacat, Pampanga), John Kenneth Guntan (Mindoro), Woody Andres, Jr. (Pangasinan), Mark Anthony Beltran (San Antonio, Nueva Ecija), at Arjoy DC Elbanbuena (La Union).
Good luck, boys!