Merese
by Dinno Erece
STEADY LANG SINA Lovi Poe at Jolo Revilla, walang balikan naman sina Jennica Garcia and Mart Escudero.
Magkaiba ng primetime shows ngayon sina Lovi at Jolo;sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang si Lovi at Totoy Bato naman si Jolo, pero sila pa rin off cam kahit may ibang partners sila para sa show. Mas mabuti pa rin ang estado nila na shows lang magkahiwalay, dahil kahit magkasama nga sina Jennica at Mart sa Dear Friend: Bulong ng Puso episode na magtatapos this Sunday, pero hiwalay na sa tunay na buhay.
Disadvantage din yata ang palaging magkasama lalo na kung parehong artista. Natatandaan namin kasi na si Mart, as much as possible ayaw niyang mag-partner ng iba si Jennica noong sila pa. Si Jolo at least mas open-minded. May partner na nga si Lovi sa Tadyang na si Prince Stefan, iba rin ang partner niya kahit sa bago niyang MTV for the second song na ini-release sa second album niyang Bloom from Sony-BMG na ilu-launch sa Sunday sa SOP.
That would be Victor Aliwalas.
MAY BAGONG HUBADERO na naman, si Joash Balejado.
Go kami ni Friendster Ambet Nabus sa first shooting day ng Touch of Heaven, ang second movie ng DMV Entertainment pagkatapos ng matagumpay na Walang Kawala at muntik na kaming mapasubo sa dami ng mga nakahubad na boylet na gumaganap na mga masahista sa pelikulang dini-direhe ni Joel Lamangan. Pinagbibidahan nina Paolo Serrano at Marco Morales, may bagong ii-introduce na bagets, ang 19 year old na si Joash, pronounced Jo-Ash.
RTU student si Joash na 2008 Mister Lakan din. Wala siyang experience sa acting pero nakapasa siya sa audition kaya sa kanya binigay ang important role na batang masahista na mai-in love ang kapwa masahista niyang si Paolo. Super inosente si Joash sa kalandian at kabadingan, ha! Hindi niya maintindihan ang mga naughty questions namin, tulad ng kung may ‘maipagmamalaki’ ba siya tulad ni Marco.
Kaya nga ang ending, pinalasak namin ang tanong kung mahaba ba ang kanya at wala siyang kagatol-gatol na sumagot na oo. Uy…
WALANG KINALAMAN SI Pokwang sa cancellation ng kanyang Subic show this month.
Late last year or early this year, ma pumasok na inquiry sa handler ni Pokwang para sa March show sa Subic. Dahil libre si Pokwang sa araw na iyon, okay na tanggapin ang inquiry kaya nagpadala ang Star Magic ng unsigned agreement o contract kay Melai Sarmiento, ang booking agent ng nasabing show. Unsigned ang contract dahil patakaran ng Star Magic na ang Producer ang unang pipirma sa mga contracts.
Mas mababa sa napag-usapang talent fee ang nasa contract dahil charity show naman daw ang event at pumayag pa rin ang Star Magic. Ang problema, ang titulo na nasa posters at tickets, Poohkwang. ASAP Live ang may rights sa nasabing title at hindi maaaring gamitin ng iba. Dahil wala pa namang napirmahang contract, ang desisyon ay huwag nang gawin ni Pokwang ang show dahil may problema nga sa title.
Ngayon si Pokwang ang nane-nega kahit wala siyang kinalaman sa negotiation at artist lang siya.